Wala pang nilalabas na detalye ang pamilya: ANGEL, nagluluksa sa pagpanaw ng ama sa edad na 98
- Published on March 8, 2025
- by Peoples Balita
PUMANAW na ang butihing ama ng actress na si Angel Locsin. Si Mr. Angel Colmenares sa edad na 98.Wala pa halos ibang detalye maliban sa pumanaw ito nitong March 5. Sa ngayon, nagre-request daw ang pamilya na maging pribado ang viewing na kung saan nakaburol na ito sa Heritage Park.
At nagpapasalamat sila sa lahat ng nagpapa-abot ng pakikiramay.
Binisita namin ang Instagram account ni Angel, August 2022 pa ang huling update ni Angel sa kanyang IG.
Kasabay sa balitang pagpanaw ng kanyang ama, ang tanong ng halos karamihan, magiging daan na kaya ito para magpakita si Angel?
***
ERVIC, tikom pa rin ang bibig sa reklamo ng kamyang kapatid
TIKOM pa rin ang bibig ni San Juan Coun. Ervic Vijandre.
Simula nang lumabas sa social media ang reklamo ng kanyang kapatid na si Erwin Vijandre at ng misis nito laban kay Ervic ng physical assault.
Bagong taon pa nang mangyari ang diumano’y pananakit ni Ervic sa kapatid. May mga larawan itong ipinost bilang resibo.
Sinubukan naming i-message si Ervic, pero kumpara dati na mabilis itong sumagot, ngayon ay ni hindi ito nag-seen sa message. At hindi rin nag-reply.
Wala pang nakakakuha ng panig ni Ervic. Pero kung titingnan ang social media niya, tila hindi ito nagpapa-apekto at tuloy-tuloy lang sa kanyang mga charity works sa San Juan.
Ang recent post pa niya ay Baclaran Church. Na tila pinapakitang nagsisimba.
Sa totoo lang, kung totoo man ang isyung ito, siyempre ay hindi namin ito nakita kay Ervic bilang mabait naman siya.
Kaya sana, matinding paninira lang ang lahat bilang muli siyang tumatakbo.
(ROSE GARCIA)