• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magkakapatid, pinagtulungan ang isang lalaki, patay

PATAY ang isang 25-anyos na lalaki nang pagtulungan ng magkakapatid matapos  napikon na pinaparatangan na nagkakanlong ng tao sa kanilang bahay sa Tondo, Manila Lunes ng hapon.
Isinugod pa sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima na si Raymond Castillo y Galang, may live-in parner ng Bldg 26, Temporary Housing, Aroma Compound, Brgy 105, Tondo, Manila  subalit namatay din habang ginagamot .
Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang magkakapatid na sina Vasser Ocampo y Carlos,  31, binata, Dither Ocampo y Carlos,  Ness Ocampo y Carlos at Nasser Ocampo y Carlos, pawang nasa wastong edad at pawang residente  ng  Bldg. 33, Unit 51, Temporary Housing, Brgy. 105, Tondo, Manila na tumakas matapos ang insidente.
Sa ulat, naganap ang insidente bandang alas-3:30 ng kamakalawa ng hapon noong Lunes kung saan nagtungo ang biktima at isang  Joylyn Cobo, 24 sa bahay ng magkakapatid at hinahanap  kay Vasser ang isang tao kung nagtatago  ito sa kanilang bahay subalit hindi ito nakita kaya umuwi ang dalawa.
Makalipas ang ilang minuto, ay bumalik ang biktima at kasama nito sa bahay ng magkakapatid na ikinainis ni Vasser na humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa lumutang ang mga kapatid nito at tinulungan siya  habang pinagsasaksak ni Vasser ang biktima..
Sa kabila ng tama ng saksak  ng biktima ay nagawa pa umanong tumakbo hanggang sa natumba it pagsapit sa building 27 kung saan tinulungan ito ng kanyang mga kapitbahay at isinugod sa ospital habang ang mga suspek at tumakas.
Makalipas ng dalawang araw na nakikipaglaban sa kamatayan ang biktima ay bumigay din ang katawan nito. (Gene Adsuara)