Top 1 most wanted person ng Navotas, timbog!
- Published on March 6, 2025
- by Peoples Balita
SHOOT sa selda ang isang construction worker na may kinakaharap na kasong murder nang maispatan ng tumutugis na pulisya malapit sa kanilang lugar sa Navotas City.
Kaagad kinorner ng tauhan ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes ang akusadong si alyas “Eric”, residente ng Blk 31, Lot 59, Phase 2, Area 2, Brgy. NBBS Dagat-dagatan nang matiyempuhan sa Matambaka St. sa naturang ding barangay ng dakong alas-2:30 ng hapon.
Hindi na nakapalag si alyas Eric nang isilbi sa kanya ng pinagsanib na puwersa ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Navotas Police Sub-Station-4 ang warrant of arrest na inilabas ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Zaldy Balagat Docena ng Branch 170 noong Setyembre 22, 2024 para sa kasong murder.
Anio Col. Cortes, walang piyansang inirekomenda ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado na nasa Top 4 wanted person sa District Level at Top 1 wanted person sa Station Level.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Navotas police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)