• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Healthy Daddy’ ang tawag sa dating sexy actor: CHRISTIAN, maraming nai-inspire sa video post na todo workout sa gym

REUNITED ang magkaibigan at kapwa Kapuso stars na sina primetime action hero Ruru Madrid at Jon Lucas sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Nagkatrabaho sila sa full action series na Black Rider na pinagbidahan din si Ruru at si Jon gumanap bilang pangunahing kontrabida. Sa seryeng ito rin lumalim ang kanilang pagkakaibigan.

Muli silang magtutuos on-screen dahil papasok si Jon bilang isa sa mga bagong karkater sa Lolong: Bayani ng Bayan.

Gaganap siya bilang Lizardo, isang fighter na sabak sa sabungan ng mga Atubaw.

Mapapanood rin ngayong linggo ang paglaya ni Dona Banson, played by Jean Garcia. Dadalhin niya sa labas ng kulungan ang kanyang katauhan bilang religious leader na kung tawagin ay “Banal na Ina.”

Magbabalik na rin sa Tumahan si Dolores–karakter ni Maui Taylor–na laging handang tumulong kay Dona.

***

PAMBANSANG Healthy Daddy ang tawag sa dating sexy actor na si Christian Vazquez pagkatapos nitong mag-post ng mga video na todo workout siya sa gym.

At nung 48th birthday niya ay pinost niya ang isang mirror kunsaan kita ang kanyang six-pack abs. May caption ito na “Checking 1 2 3 at 48.”

Kaya maraming kaedaran ni Christian na na-inspire sa kanyang posts. Na hindi raw sapat na makuntento sila sa kanilang “dad bods”. Puwede pa nilang ma-achieve ang katawan ng aktor na malapit na sa edad na 50.

Nasabi pa noon ng aktor: “I want to be strong when I reach 50. So I start today and everyday coz that is the way. It rhymes they say.”

Sumikat si Christian dahil sa 2000 PLDT TV commercial kunsaan nanggaling ang sikat na linyang “suportahan ta ka”.

In 2001 ay na-introduce si Christian sa pelikulang Pagdating ng Panahon nila Sharon Cuneta at Robin Padilla. In 2003, pinasok niya ang pagpapa-sexy sa mga pelikula ng Seiko Films na Liberated at Liberated 2.

Kasalukuyang napapanood si Christian sa mga teleserye na FPJ’s Batang Quiapo at How To Spot A Red Flag.

(RUEL J. MENDOZA)