• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HVI tulak, nalambat sa Navotas drug bust, P378K droga, nasabat

UMABOT sa halos P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang tulak ng droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Navota City, kamakalawa ng gabi.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nagawang makipagtransaksyon kay alyas “Pugak”, 43, ng Market 3, Brgy. NBBN ng isa sa mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU).

Agad ikinasa ng mga tauhan ni Col. Cortes ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-8:43 ng gabi sa Road 10, Brgy. NBBN, matapos bintahan ng P5,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 55.7 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahlaag ng P378,760, at busy bust money na isang tunay na P500 bill at limang P5,000 boodle money.

Kasong paglabag sa Sections 5, at 11 ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)