• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga senatorial candidates na umaaktong ‘mouthpiece’ ng Tsina, ibasura

ITO ang apela ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union sa mga botante.

 

Ayon kay Ortega, hindi dapat iboto ang mga kandidato na hindi binibigyang prayoridad ang soberenya ng bansa  lalo na sa harap ng agresibong territorial claims ng Tsina.

 

“Ako yung statement ko dun, antagal na. Sabi ko nga, ‘wag susuportahan ‘yung mga mouthpiece ng hindi pro-Pilipinas. So, last year pa yata na sinasabi ko na yun na okay lang yung local politics, okay lang na may politika, may konting pag hindi pagkakaintindihan. Pero pag ang kinakampihan mo na eh hindi pro-Pinoy at hindi Pinoy, may problema na talaga doon, malaking problema na,” ani Ortega.

 

sinabi naman ni Bataan Rep. Geraldine Roman na sa kabila na kailangan pa ring magkaroon ng diplomasya ay dapat maging matatag ang Pilipinas sa usapin ng territorial sovereignty at national security.

 

“You know what, we are not anti-China. We are against the activities that infringe on our sovereignty and endanger our territorial integrity. Of course, necessarily, we have to engage with them sa trade relations, diplomatic relations. There are also many Filipinos in China. But ibang usapin na itong pagdating sa ating teritoryo,” ani Roman.

 

Nanawagan din ito sa mga botante na suriing mabuti ang mga kandidato upang masiguro na ang loyalidad ng mga ito ay sa bansa at hindi sa interes ng dayuhan.

 

“Kaya nga, importante na maging mapanuri ang lahat ng mga botanteng Pilipino. Mawala ng lahat huwag lang ang pakiramdam. Suriin natin ang ating mga kandidato, especially ‘yung mga nasa Senado. Let’s feel, let’s try to read between the lines. Kanino ba talaga ang kanilang loyalty?” pahayag ni Roman.

(Vina de Guzman)