Kinondena ng mambabatas ang walang basehang pag-aangkin ng Tsina sa Palawan island
- Published on March 5, 2025
- by Peoples Balita
KINONDENA ni House Committee on Foreign Affairs Chairperson Rachel Arenas ang walang basehang pag-aangkin ng Tsina sa Palawan Island, na lumabas at kumalat sa iba’t ibang social media platforms
“The Philippines has always exercised full sovereignty over Palawan. This is an indisputable fact. China’s fabricated claims are blatant propaganda and an attack on our sovereignty. Palawan has always been and will always remain part of the Philippines. This is an established reality,” ani Arenas.
Hinikayat naman ni Arenas ang lahat ng mga kaukulang government agencies na magpalabas ng bagong mapa na naaayon sa batas ng Pilipinas kaugnay sa maritime territory, political boundaries at iba pang importanteng features sa loob ng teritoryo.
Ito ay upang kontrahin ang sobra at iligal na pag-aangkin ng Tsina sa teritoryo ng Pilipinas. (Vina de Guzman)