Naimprenta nang balota, umabot na ng 53 million
- Published on March 4, 2025
- by Peoples Balita
UMABOT na sa mahigit 53 milyon ang naimprentang balota para sa May 2025 elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Base sa datos, kabuuang 53,894,129 balota na ang naimprenta o 76.58% ng 72 milyong kinakailangan. Ang kabuuang 16,338,956 balota pa ang natitira na kailangang iimprenta.
Una nang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na target na makapag-imprenta ng 1.5 milyong balota upang makabawi sa pinaikling timeframe para sa produkdyon ng mga opisyal na balota. Nagpahayag din siya ng kumpiyansa na makumpleto ng Comelec ang proseso ng pag-imprenat sa Abril 14,2025.
Gayunpaman, sinabi ni Garcia na ang pag-imprenta ay tumaas sa 1.7 milyong mga balota kada araw at ang Comelec ay nagnanais na makumpleto ang proseso ng pag-imprenta ng balota sa Marso at verifcation ng balota sa Abril.
Ayon kay Garcia, basta magtuloy-tuloy ang performance ng makina ay maaring sa ikalawang linggo hanggang ikatlong linggo ng Marso maaring matapos ang ballot printing.
Maalala na ipinagpatuloy ng Comelec ang pag-imprenta ng opisyal na balota noong Enero 27, isang linggo matapos itong suspendihin nang maglabas ng temporary restraining orders ang Korte Suprema laban sa mga diskwalipikasyon ng ilang kandidato. (Gene Adsuara)