Maalaga na sa mga kapatid kahit noong bata pa: SYLVIA, proud na proud kay RIA sa pagiging hands-on mom kay SABINO
- Published on March 1, 2025
- by Peoples Balita
PROUD na proud ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez sa kanyang anak na si Ria Atayde na hands-on mother sa first baby nila ni Zanjoe Marudo na si Sabino.BAGO natapos ang buwan ng puso, apat sa anim na pelikula ngayong linggo ang swak sa pamilyang Pilipino ayon sa klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Rated G (angkop sa lahat ng edad) ang “Secret: Untold Story” at “Ive: The 1st World Tour in Cinema” na parehong galing South Korea.
Rated PG (edad 12 pababa kasama ang magulang) ang “Everything About My Wife” na pinagbibidahan ng mag-asawang Jennylyn Mercado and Dennis Trillo, at ang biographical musical drama na “A Complete Unknown,” batay sa buhay ng mang-aawit na si Bob Dylan.
“The Caretakers,” na bida sina Iza Calzado at Dimples Romana, ay rated R-13 para sa edad 13 pataas at swak sa mga mahilig sa katatakutan.
Habang ang 1922 bersyon ng American gothic horror na “Nosferatu” ay rated R-16 para sa edad 16 at pataas.
Payo ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa mga magulang na maging handa sa pakikipag-usap sa mga bata tungkol sa mga eksena na posibleng makaapekto sa kanilang kaisipan.
“Aking hinihikayat ang mga magulang at nakakatanda na maging handa para liwanagin sa mga bata ang mga eksenang posibleng hindi nila maarok,” sabi ni Sotto-Antonio.
(ROHN ROMULO)