• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ABP PARTY LIST, MAKIKIISA SA FIRE PREVENTION MONTH

NAKIKIISA  ang “Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party list sa pagdiriwang ng taunang Fire Prevention month na isinasagawa buong buwan ng Marso. May temang ” Pag -iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa” “ PARA SA MAS LIGTAS NA PINAS !!!” ang ABP party list ay patuloy na magsasagawa ng libreng training para sa bawat komunidad at pamilya sa tamang paghahanda at mabilis na pagtugon sa mga emergency katulad ng sunog, lindol, baha at iba pang kalamidad na ginagawa nila sa pag-ikot sa iba’t ibang lugar sa bansa. ”

Kailangang magkakabuklod ang bawat Pilipino sa pagtugon na may sapat na kaalaman at kahandaan sa mga kalamidad” ayon kay ABP first nominee Jose Antonio “Ka Pep Goitia”.

Sa kanilang  isinasagawang pagbisita ay itinuturo ng grupo ang emergency response drill at tamang paggamit ng fire extinguishers.

Layunin ng ABP na binubuo ng koalisyon ng mga bumbero, fire rescuers at volunteers na makapagbigay ng serbisyong walang kapantay sa pagsagip ng buhay at handang ipagbuwis ng buhay sa pagresponde sa mga sakuna partikular ang sunog. Ipaglaban ang pagkakaroon ng maraming benepisyo, insurance at medical assistance ng mga miyembro nito na sa kasalukuyan ay minimal allowance at walang suweldo na natatanggap kapalit ng serbisyong kanilang ibinibigay sa mamamayan.

Matatandaang umakyat sa pang labing apat na puwesto ang ABP na kinabibilangan ni Ka Pep Goitia, Lenin Bacud, Jose Mari Antonio Goitia, Carl Gene Moreno Plantado at Howie Quimzon Manga sa isinagawang survey mula Pebrero 11-14 ng Tangere samantalang nasa Top 24-25 naman sa OCTA Research isang mapagkakatiwalaang non-profit , independent public research organization. (Gene Adsuara)