• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senior Citizen, tinangay ang E-bike, sinaksak pa

SUGATAN ang isang senior citizen matapos saksakin siya ng suspek nang tumangi itong ibigay ang kanyang minamanehong E bike sa Kawit, Cavite Martes ng gabi.

 

Kinilala ang biktima na si alyas Vicente, may-asawa ng Pinagkaisa Village, Brgy. Toclong, Kawit, Cavite habang naaresto naman ang suspek na si alyas Alfred, 25, binata ng 365 Brgy. Alapan I-B, Imus City, Cavite.

 

Sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang E-bike habang binabagtas ang kahabaan sa Pinagkaisa Village , Brgey Toclong , Kawit , Cavite bandang alas-11:30 kamakalawa ng gabi  pero pagsapit sa gate ng Village ay biglang isinarado ng suspek ang gate at pinuntahan siya ng suspek at puwersahang kinukuha ang susi ng E-bike ng matanda.

 

Pumalag ang biktima kaya sinaksak siya ng suspek saka tinangay ang kanyang E- bike patungo sa direksiyon ng Alapan main road.

 

Nag-report ang biktima kung saan sa isinagawang follow up operation  ay naaresto ang suspek matapos namataan sa tulay ng Balimbing, Brgy Medecion 1B, Imus City, Cavite. (Gene Adsuara)