Plano ng DENR na taasan ng may 10 milyong ektarya ang kagubatan sa ilalim ng National Greening Program
- Published on February 28, 2025
- by Peoples Balita
“BAKA maging water world tayo.”
Ito ang babala ni Rizal Rep. Fidel Nograles matapos na i-ulat ng Department of Environment and Natural Resources na tanging pitong milyon sa 15 milyong ektarya ng kagubatan sa Pilipinas ang may puno o forest cover.
“We have to aggressively restore our forest cover—there is no going around this issue. And we should start now. Hindi maaaring maghintay pa tayo,” anang mambabatas.
Bilang tugon sa nakakalbong kagubatan, plano ng DENR na taasan ng may 10 milyong ektarya ang kagubatan sa ilalim ng National Greening Program.
Sinabi ni Nograles na kailangan na tumulong ang publiko na palakihin ang kagubatan sa bansa. (Vina de Guzman)