2 opisyal ng Manila LGU ipinaaaresto
- Published on February 28, 2025
- by Peoples Balita
IPINAAARESTO ng Manila Regional Trial Court (MRTC) ang dalawang mataas na opisyal ng Manila LGU dahil sa kasong paglabag sa anti-graft law.
Sa inilabas na Order ni Judge Edilu P. Hayag ang Presiding Judge ng MRTC Branch 26, kabilang sa pinadarakip ay ang mga respondent na sina Charlie DJ. Dungo head ng Department of Tourism, Culture and Arts at administrative officer Robert Steven Q. Principe.
Ayon sa kautusan ng hukom, ang dalawa ay kinasuhan nang paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act 3019 o anti graft and corrupt practices act na isinampa ni Dr. Flordeliz Villaseñor, dating head ng Manila tourism bureau at reserve colonel ng Philippine Navy .
Matapos ang evaluation s amga ebidensyang nakasumite sa Korte, sinabi ng hukom na may sapat na probable cause upang ikulong ang mg akusado.
Dahil dito, naglabas ng warrant of arrest si Judge Hayag para sa ikadarakip ng dalawang akusado. (Gene Adsuara)