Pagtatayo ng Regional Center Hospital sa Cavite, ipanukala
- Published on February 28, 2025
- by Peoples Balita
HINDI na kinakailangan lumawas pa ng Maynila ang isang pasyente upang magpagamot kung may nakatayong isang Regional Specialty Center Hospital sa mga probinsiya.
Bunsod nito, sinabi ni Senator Imee Marcos na pabor siyang pondohan ang pagpapatayo ng isang Regional Specialty Center Hospital sa kanyang talumpati bilang guest of honor sa Parada ng Bayan at 111th Founding Anniversary sa bayan ng Tanza, Cavite.
Ayon pa sa Senadora, makakabuti ang pagtatayo ng Regional Speciality Center Hospital sa Cavite upang hindi na kinakailangang lumuwas pa ang pasyente sa Maynila o ibang lugar upang magpagamot.
Paliwanag pa ni Marcos ang paga-allocate ng pondo ng gobiyerno sa isang State University and Colleges na may kursong Medisina upang may mga Doctors sa tutulong dito.
Kasabay din ito sa plano ni Tanza Vice Mayor Archangelo “SM” Matro ang pagpapatayo ng isang pampublikong ospital sa bayan kung saan ang magsisilbing ospital ang kasalukuyang munisipiyo na plano namang ilipat sa mas maluwag na lugar upang mapagsilbihan ang mamamayan ng bayan ng Tanza. (Gene Adsuara)