• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:23 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EDSA PEOPLE POWER, may kaakibat na malaking responsibilidad

BINIGYAN-DIIN  ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang malaking responsibilidad na kaakibat ng kalayaan at demokrasya na natamo ng bansa matapos ang EDSA People Power Revolution noong 1986.

 

Sinabi ni CBCP-Episcopal Commission on Youth chairman at Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, ang kalayaang tinatamasa ng Pilipinas ngayon ay hindi lamang isang biyaya kundi isang hamon para sa bawat Pilipino na ipagpatuloy ang laban para sa demokrasya na ipinaglaban mahigit apat na dekada na ang nakalipas.

 

Pagbabahagi ng Obispo, ang paggunita sa ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ay isang paalala para sa lahat na patuloy na protektahan at pahalagahan ang kalayaang tinatamasa ng bansa sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kabutihan, pagkakapantay-pantay, at katarungang panlipunan.

 

Paliwanag  pa niya na  mahalaga ang patuloy na pagpapamalas ng malasakit at pagmamahal sa bayan. Umaasa rin ang Arsobispo na hindi mananaig ang kawalan ng pakialam ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa lipunan.

 

Giit niya, maraming paraan upang maipakita ang pagmamahal sa bayan—kabilang na ang aktibong pakikilahok sa mga usaping pangkomunidad at iba pang gawain para sa ikabubuti ng bansa, tulad ng pagboto sa mga karapat-dapat na opisyal ng pamahalaan. (Gene Adsuara)