• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:28 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makabayan Bloc nanawagan sa pangulo para magpatawag ng special session para sa impeachment trial

HINIKAYAT ng Makabayan bloc si Presidente Bongbong Marcos na agad magpatawag ng special session ang Kongreso para sa senado na mag-convene bilang impeachment court para sa pagdinig ng reklamo laban kay Vice President Sara Duterte.

 

“Kung talagang bukas ang Pangulo sa special session, dapat ay tahasang gawin na niya ito. Hindi na dapat maghintay pa ng kahilingan mula sa Senate President o House Speaker. The people demand accountability now,” ayon kina ACT Teachers Rep. France Castro, Gabriela Party Rep. Arlene Brosas at Kabataan Rep. Raoul Manuel.

 

Sinabi ng mga mambabatas na ang mga ginagawang legal maneuvers ng kampo ni Duterte para mabinbin at madiskaril ang impeachment process ang dahilan upang mas maging agaran ang panawagan.

 

“We cannot allow narrow political interests and electoral considerations to obstruct justice and constitutional processes. Nakakabahala ang patuloy na pagpapaliban sa impeachment trial. Ang bawat araw na dumadaan ay isang araw na pinapatagal ang hustisya para sa mamamayan,” giit pa ng mga ito.

 

Idinagdag pa ng mga mambabatas na hindi maaaring patuloy na gawing hostage ng mga pulitikong may makitid umanong interes ang impeachment process.

 

“Kailangang magkaisa at kumilos ang mamamayan upang isulong ang tunay na pagbabago at pananagutan,” pahayag pa. (Vina de Guzman)