• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 11:30 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

After na maging bida sa ‘Voltes V: Legacy’: RADSON, walang isyu sa pagtanggap na maging kontrabida

HINDI raw isyu sa Sparkle male artist na si Radson Flores na maging kontrabida sa ‘Prinsesa Ng City Jail’ after na maging bida sa ‘Voltes V: Legacy.’ 

“Oh, no, not at all,” bulalas ni Radson.

“Kasi yung kay Mark Gordon medyo anti-hero din siya.

“Kumbaga mabait lang siya kasi nasa side siya ng humanity, pero masamang tao siya sa mga taong nakapaligid sa kanila.

“Kumbaga ginagawa niya yan talaga para mailigtas ang sarili niya pero in the end naman naging mabait siya.

“So compared dito kay Justin na yun nga, medyo weird e, weird yung moral chart ni Justin, so mahirap din kasi baka ma-spoil ko.”

Kasama ni Radson si Miguel Tanfelix sa ‘Voltes V: Legacy’ dati at ngayon ay sabay nguni’t magkahiwalay silang may proyekto dahil si Miguel ay isa sa mga bida sa ‘Mga Batang Riles.

“Sobrang proud ako sa brother ko, si Miguel.

“Napanood ko yung pilot episode nila, sobrang ganda niya.”

Nasa ‘Voltes V: Legacy’ rin sina Ysabel Ortega, Raphael Landicho at Matt Lozano; nagkikita pa ba silang lima?

“Yeah, almost all that time talaga, until now.

“Nagkakausap kami nila Miguel sa call, mahilig kami kaming maglaro until now, maglaro ng mga video games.”

Napapapanood weekdays, 3:20 PM sa GMA Afternoon Prime, ‘Ang Prinsesa Ng City Jail’ ay sa direksyon ni Jerry Lopez-Sineneng kung saan bida sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

***

SA unang pagkakataon ay dito sa Pilipinas gagawin ang sikat na Waterbomb Festival.

Nagmula sa South Korea at nagsimula noong 2015, ang Waterbomb ay isang music festival kung saan maraming musical artists, karamihan ay galing sa South Korea ang nagpe-perform at nagbabasaan at nagkakatuwaan kasama ang audience gamit ang mga water guns at water cannons.

Gaganapin ito ngayong araw, Pebrero 22 at sa Lingo, Pebrero 23 sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, pinagsama-samang awitin at sayaw na hip-hop, R&B, EDM, K-pop at sa unang pagkakataon ay P-pop dahil kasali sa listahan ng mga performers ang mga Filipino artists gaya ng boy group na Bilib at female singer na si Zela na parehong talent ng AQ Prime Music.

Ang Waterbomb ay naging tradisyon sa South Korea tuwing sasapit ang tag-init.

Sa paglipas ng mga taon, hindi na lamang sa South Korea ito idinaraos kundi maging sa iba pang dako ng mundo, tulad ngayong taong 2025 kung saan magaganap ito sa Maynila.

Kaya naman labis ang pasasalamat ng Bilib at ni Zela sa pagkakataong mapasama sa malaking event na ito.

Ang Bilib ay binubuo nina Yukito Kanai, Clyde Ballo, Zio dela Paz, Rafael Mumar, RC Coronel, Jmac Sangil at Carlo Samson.

At ayon sa spokesperson ng grupo na si Yukito, “We’re so thrilled na kami po iyong isa sa mga napili po nila together with Zela po sa Act 4, Waterbomb po.

“Super thankful po kami, super-honored to be performing for Waterbomb po.”

Labis ang pasasalamat ng grupo sa kanilang talent management na AQ Prime Music na siyang nag-asikaso upang mapasama sila sa nabanggit na malaking music event.

Ayon naman kay Rafael, “Sobrang thankful po kami, sobrang excited, and since it’s our first time, and it’s the first Waterbomb na gaganapin sa Philippines, it’s an honor to be invited.”

Bukod sa kanila ay isa rin sa mga Filipino na magpe-perform sa Waterbomb ay ang Sparkle artist na si Thea Astley.

Tinanong namin ang Bilib kung handa ba sila sa mga bashers, sa mga magkukuwestiyon kung bakit sila ang napili sa Waterbomb at hindi ibang Filipino group, na tulad ng SB19, BINI at iba pa?

Lahad ni RC, “Actually po ready na po kami doon dahil meron naman po talagang positive and negative feedback po when it comes sa P-pop industry po and P-pop community.

“But we’re supporting each other po kasi P-pop community so that’s why P-pop rise po and we are showcasing po our talents and to be well known outside the Philippines po, so that’s why po.”

Dagdag naman ni Carlo, “From SB19 to BINI, meron po silang magkaibang way na nadala ang P-pop sa global stage.

“So kami naman po na nabigyan ng opportunity po para mapamalas po ang P-pop and ang aming kakayahan as a group, siyempre po gagawin din po namin yung best namin para po mapakita kung ano ang P-pop.”

Isa sa mga achievements ng Bilib ay ang pagwawagi nila sa 16th PMPC Star Awards for Music nitong Oktubre 2024 bilang New Male Group Artist of the Year para sa kanta nilang Kabanata.

Samantala, kabilang sa mga inaasahang magpe-perform sa Sabado at Linggo sa Waterbomb Festival ay sina Dynamicduo, Epik High, Kim Jong-kook, Chanyeol ng EXO,  Baekho ng NU’ESTHwasa, B.I, Kwon Eun-bi, Lee Chae-yeon, STAYC, Roots, ZB & ATION, J.E.B, IMLAY, APRO, Raiden, Kang Daniel, Skull & Haha, Jessi, Sunmi, Hyolyn, Gray, Oh My Girl, VIVIZ REDDY, Yang Se-chan, U-kwon, INSIDECORE, SIENA GIRLS, Aster & Neo, 2SPADE, Mar Vista, at Kenet.

(ROMMEL L. GONZALES)