• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 2:53 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinaroroonan ni Harry Roque, tukoy ng BI

MAY intelligence information na ang Bureau of Immigration tungkol sa kinaroroonan ng dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque, ayon sa kumpirmasyon ni Immigration spokesperson Dana Sandoval.

 

Si Roque ay nagtago matapos patawan ng contempt at arrest order ng House Quad Committee dahil sa pagkakasangkot sa illegal na operasyon ng POGO.

 

Una nang kinumpirma ng DOJ na nagsumite ng counter affidavit si Roque mula sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates.

 

Tumanggi naman si  Sandoval na magbigay ng buong detalye tungkol sa kinaroroonan na bansa ni Roque at sa koordinasyon ng Immigration sa kanilang counterpart.

Una na ring nilinaw ng Immigration na walang lumabas na isyu ng katiwalian o pakikipagsabwatan sa kanilang hanay kaugnay sa pagbiyahe palabas ng bansa ni Roque. (Gene Adsuara)