• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 8:33 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P10.9-M halaga ng motor vehicles na o-orderin via eMarketplace, tinurn over na-DBM

TINATAYANG may anim na motor vehicles na nagkakahalaga ng P10.9 milyon na in-order sa pamamagitan ng eMarketplace online platform ang tinurn over na sa procuring entities.

 

 

Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang

 

eMarketplace ay isa sa maraming bahagi ng New Government Procurement Act (NGPA), batas na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Hulyo 20, 2024 para itulak ang “transformative reform” na naglalayong gawing bago at dagdagan ang public procurement processes sa bansa sa pamamagitan ng pagtugon sa umiiral na ‘loopholes at inefficiencies.’

 

 

Ang eMarketplace ay dinisenyo para gawing modernisado ang procurement process, pahintulutan ang mga ahensiya na “to conveniently add to cart” ang mga mahahalagang ‘goods at services’, tiyakin ang napapanahon at cost-effective transactions.

Binigyang diin naman ni PS-DBM Executive Director Genmaries Entredicho-Caong ang malakas na suporta ni Pangulong Marcos para sa inisyatiba, inalala kung paano personal na itinulak ni Pangulong Marcos ang bagay na ito sa isinagawang talakayan ukol sa pa panukalang amiyendahan ang procurement law.

 

 

Sa kabilang dako, sa isang kalatas, sinabi ng DBM na apat mula sa pitong motor vehicles ay nagkakahalaga ng P7.6 milyon at iniabot sa Insurance Commission (IC) sa Toyota Otis sa Paco, Manila, araw ng Lunes, pagsisimula ng unang benta sa ilalim ng eMarketplace.

 

 

Nang sumunod na araw, natanggap naman ng National Tax Research Center (NTRC) ang order nito para sa dalawang iba pang motor vehicles na nagkakahalaga ng P3.3 milyong piso.

 

 

Samantala, pinuri naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang PS sa pag-abot sa panibagong milestone kasunod ng paglulunsad ng eMarketplace noong December 2024.

 

 

“Everything about the eMarketplace, from its development to its implementation, is designed to be quick and easy. We launched it in December last year, and now, two agencies have already benefited from faster, more efficient, and seamless procurement. ‘Add to cart’ has officially been activated for government procurement,” ang sinabi ni Pangandaman.

 

 

“Imagine, from a four-month wait to less than two weeks! This is the game-changing efficiency that the eMarketplace brings. But this is just the beginning as we continue to revolutionize government purchasing for the better,” ayon sa Kalihim.

 

 

Winika pa ni Pangandaman na ang eMarketplace ay isa lamang sa milestone sa digital transformation journey ng gobyerno.

 

 

“We assure you that PS-DBM is committed to continuously institutionalizing public procurement reforms to achieve our Agenda for Prosperity,” ang tinuran ni Pangandaman, binigyang diin ang dedikasyon ng DBM “to innovation and efficiency in government transactions.”

 

 

Operational na o gumagana na ang eMarketplace ngayon, pinapayagan ang mga ahensiya ng pamahalaan na magsimula nang mag-order ng motor vehicles bilang bahagi ng kanilang pilot program para sa common-use supplies and equipment (CSE).

Marami pang mga items ang idaragdag, kabilang na ang airline tickets, cloud computing services, at iba’t ibang software at licenses. (Daris Jose)