Lalaki, nang-hostage sa loob ng isang mall sa Lipa City, Batangas
- Published on February 21, 2025
- by Peoples Balita
NASA kustodiya na ng Lipa City Police ang isang lalaki makaraang nang-hostage sa loob ng isang gadget store sa lob ng isang kilalang mall sa Lipa City Batangas Martes ng hapon.
Kasong paglabag Serious Illegal Detention and Violation of Omnibus Election Code (Possession of Deadly Weapon) ang kinakaharap ng naarestong suspek na si Alyas Alvin .
Sa ulat, bandang alas-6:40 kamakalawa ng hapon ng pasukin ng suspek ang Asianic Gadget Store na nasa lob ng SM City Lipa, Brgy. Marawoy, Lipa City, Batangas kung saan hinostage nito ang mga empleyado sa loob.
Matapos ang tatlong oras na negosasyon sa pangunguna ni Lipa CCPS Chief PLTCOL Rix Supremo Villeareal at pagkaraan na hiniling ng suspek sa media na makausap nito ang kanyang pamilya, ay lumabas ang suspek sa loob ng gadget store.
Paglabas ng suspek at habang pababa sa escalator ng mall, agad na sinunggaban ni Vilareal ang suspek kung saan nagkaroon ng bunuan at pagkakasugat sa kanang kamay ng opisyal.
Nabatid na nanatili naman sa loob ng storage room ang mga empleyado na sina Warren Ativo at Sheryl Vargas hanggang natapos ang hostage taking.
Ilang mga gadget ang nasira sa nasabing insidente. (Gene Adsuara)