Suportado rin ng mga sikat na artista: OFW volunteers ni Sen. BONG GO, nagkaroon ng oath-taking sa Japan
- Published on February 19, 2025
- by Peoples Balita
NAGKAROON ng oath-taking kamakailan ang humigit kumulang 400 OFW volunteers ni Senator Bong sa Osaka, Japan kamakailan.Suportado ito ng mga sikat na artista katulad nina Moymoy Palaboy at Rodfil.
Tunay nga na mainit ang pagsuporta ng mga Overseas Filipino Workers kay Senator Bong.
Pinatunayan ito sa paglulunsad ng “Go Bong Go Global Filipinos” sa Osaka, Japan noong February 16, 2025. Ang grupo ay samahan ng OFW volunteer supporters ni Senator Bong sa kanyang pagtakbong muli para sa Senado ngayong darating na halalan.
Dinaluhan ito nang napakaraming Overseas Filipino Migrants and Workers kasama nang kanilang pamilya na talagang pinakita ang nag-aalab nilang pagsuporta para sa senador.
Dinagsa rin ang event ng iba’t ibang mga group leaders sa Japan.
“Masaya kami at naging dahilan si Senator Bong para magsasama-sama ang mga Pilipino dito sa Osaka.
“Kami ay naniniwala na siya ay isang public servant na hindi lamang puro pangako. Kapag sinabi niyang gagawin niya, ay tiyak na gagawin niya, “ sabi ni Ms. Libye Suzuki na isang parallel group leader para sa GBG Global Japan sa kanyang testimonial.
“Mahusay ang kanyang pagseserbisyo, nawa’y patuloy niyang magawa ang ganitong klaseng serbisyo na may tunay na malasakit sa tao,” sabi naman ni Ms. Myrla Nagallo na nagmula pa sa malayong Fukuoka.
Masaya naman nagtanghal ang mga sikat na artista sa Pilipinas na sina Moymoy Palaboy at Rodfil, kasama si Ms. Shane Santos, film actress na bida sa pelikulang “Mama, san?” na box-office hit sa Japan, si Kazuo Nawa na taga-Star Magic ng Abs-Cbn na based na sa Japan, Mika Lorie na sikat na DJ at recording artist, Lady V, Princess Lerio na artista mula sa pelikulang “Otoko Oona”, D’baddest dance crew at syempre, mga Filipino community leaders mula sa Global Maharlika In Kansai (GMIK) at iba pang Filcom performers.
Sina Keiko Makikawa at Artist Orbista naman ang naging hosts para sa naturang event. Nang dahil sa tagumpay ng pagtitipon, nanawagan din tuloy ang ibang mga OFW supporters ni Senator Bong Go na dalahin ang event sa iba’t ibang sulok ng mundo.
Para sa mga updates, magtungo sa www.facebook.com/ GBGglobalFilipinos para sa karagdagang impormasyon.
(ROHN ROMULO)