
VERY promising ang newest P-pop girl group na Eleven11 na mula sa House of Mentorque ni Bryan Diamante.
Ang Eleven11, isang six-member girl group na binubuo nina Swaggy, Jade, Ivy, CJ, Barbie, at Audrey na nagmula sa BPOP Idols search ng “Tahanang Pinakamasaya,” na ang age range at mula 20 hanggang 23.
Natanong sila kung saan nanggaling ang Eleven11 at ano ang ibig sabihin nito.
Esplika ng main vocalist na si Ivy, “Actually, 11-11 is a repeating number. It is an angel number.
“So, whenever you see 11-11, meaning to say that it is a sign from the universe that whatever dreams you have, they will come true. And also it is a sign that our guardian angels are watching over us.”
Ayon naman sa isa pang vocalist ng group na si CJ,“ang genre po namin is a mix of pop, hip-hop, and R&B. We sing and dance po.”
Nag-debut nga ang live performance nila sa star-studded concert para sa pagtatapos ng BARAKO Fest 2025 noong February 15 sa Lipa City, Batangas, nakasama ng ELEVEN11 sa bonggang lineup na kung saan kabilang sina Vice Ganda, Joshua Garcia, Alex Gonzaga at Jessy Mendiola.
Anyway, sa naganap na tsikahan after ng mediacon para sa Barako Fest, pinuri sila dahil sa angking kagandahan, magaganda ang boses, palaban din sa pagsasayaw at pagra-rap.
At ito pa, mahusay at matatalinong sumagot sa mga tanong na ibinato sa kanila ng press.
Katulad na lang kung kaya ba nilang tapatan ang BINI?
“Actually, we’re not here to compete po. We’re here for P-Pop, we’re just here for our individualities,” sagot nila.
Sey pa ni Swaggy, “In this industry naman po, usually talagang may mga comparison po. Pero ang goal po namin ngayon, ang mas iniisip po namin is yung growth po ng bawat isa and ma-share po namin yung talent na kung ano po ‘yung meron kami.”
Panalo rin ang sagot nila kung sino ang gusto bilang maka-collab, na walang iba kundi si Sarah Geronimo na panalo naman talaga kumanta at mag-perform.
Inamin ni Swaggy na nakasama na niya si Sarah sa billboard at naging back-up dancer din. Kaya ang wish niya na maka-collab nila ang asawa ni Matteo Guidicelli.
Natanong din kung sinu-sino ang showbiz crush nila.
Binanggit nila ang pangalan nina SB19 Ken, Stell, Felip, Pablo at Justin.
Well, abangan na lang natin ang Eleven11 na talagang may ibubuga at siguradong magkakaroon sila ng puwesto sa music industry.
Best of luck Eleven11!
(ROHN ROMULO)