• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 10:57 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Comelec, nag-isyu ng ‘Notice to Remove’ campaign materials

PADADALHAN na ng  Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato ng ‘Notice to remove ‘  para alisin ang kanilang campaign materials na nakalagay sa mga bawal na lugar.

 

Ilang araw bago ang campaign period ay nag-ikot si Comelec Chairman George Garcia sa Maynila kung saan maraming mga campaign materials ang namataan sa ilang lugar sa Maynila

 

Gayunman, nagkalat pa rin ang mga campaign materials sa bahagi ng Honorio Lopez Boulevard at iba pang lugar na una nang nilinis ng komisyon.

 

Dahil dito sinabi ni  Special Asst to the Chairman, Atty Frances Aguindadao-Arabe, ipinag-utos na ng Comelec na maisyuhan ang mga kandidato  notice to remove campaign materials

 

Ayon pa kay Atty Arabe, pinuno ng TF Oplan Baklas, kung hindi tutugon ang mga kandidato ay saka sila kukunan ng sinumpaang salaysay at iisyuhan ng show cause order.

 

Ito ay para sa dalawang hiwalay na tugon ng komisyon kung walang gagawin ang mga kandidato sa mga paglabag sa patakaran sa pangangampanya.

 

Una nang nagbanta ang Comelec na handa Silang aksyunan ang mga paglabag ng mga kandidato kahit umabot pa ito sa pagsusulong ng kanilang diskuwalipikasyon. (Gene Adsuara)