• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 25, 2025
    Current time: October 25, 2025 2:08 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

After ng mga parangal sa matagumpay na ‘Balota’: MARIAN, pipili ng project na may spark at napupulsuhan na gawin

NATANONG si Marian Rivera kung ano ang nilu-look forward niya ngayong 2025, partikular sa paggawa pa ng mga pelikula.
Bongga kasi ang 2024 niya lalo pa nga’t  kumita ang ‘Balota’ at nanalo pa siya bilang Cinemalaya Best Actress at sa iba pang award giving bodies.
“Naku, nilu-look forward? Parang mas gusto ko yung kung ano yung dumating, mas iyon yung pagtutuunan ko ng pansin,” sagot niya.
“Minsan kasi parang…walang masamang mag-look forward sa mga bagay at gusto mong marating, mangarap, pero minsan dadating ka sa punto sa buhay mo na nandun yung kuntento ka.
“Ngayon kapag may project na ibibigay sa ‘yo at may pulso ka dun na parang, ‘Ah gusto ko uli ‘tong gawin’, parang dun ka magpo-focus.
“Kasi minsan kapag ang dami-dami mong gusto, minsan nawawala yung focus mo sa isang bagay na maganda dapat at pinagtutunan mo ng pansin, so this time ganyan ang gagawin ko.
“Pipili ako ng project, kung ano yung napupulsuhan ko at ano yung may spark ako, iyon yung gagawin ko.”
Muli ngang pumirma si Marian ng kontrata, sa ikalawang taon, sa Luxe Beauty and Welnnes Group ni Anna Magkawas bilang celebrity endorser ng Ecran De Luxe Silicon Sunscreen Gel.
Natanong si Marian kung ano ang kanyang daily routine pagdating sa pangangalaga ng kanyang sarili sa pangkalahatan.
“Sabihin ko yung routine ko po… gigising ako sa umaga, maliligo ako. Gising ako sa umaga, siyempre may ritual pa akong ginagawa niyan kasi hindi ako puwedeng gumigising na hindi ako nakakundisyon through praying, so ‘yan ang number one ko.
After niyan, maliligo ako, gigisingin ko yung dalawang anak ko, papaliguan ko, bibihisan ko sila for school. So habang ginagawa nila yan, mag-e-Ecran na po ako, tapos magba-blush on na po ako, kasi hahatid ko po sila sa school.
“Pagka-drop ko sa school, nagpi-Pilates po ako, so yun ang aking exercise, nagpi-Pilates po ako. 
“Every other day po for one hour. So ayun po, tapos healthy living din po kasi ako, so sa bahay po namin ini-implement po namin hindi lang sa aming mag-asawa, pero kasama po yung kids namin na healthy living po kami sa bahay.
“Pag sinabi po naming healthy living, is ito po yung mga talagang masusustansiyang mga pagkain.”
Meron ba silang iniiwasang kainin?
“Parang wala naman po.
Ang palagi namin sinasabi, huwag lang sosobra sa mga bagay.
“Mahilig po kami sa gulay, at saka nag-a-ano po kami, nagdyu-juicing kami every day.
“Like pag sinabi naming juicing, in the morning, carrots, apples, celery, so pati yung mga kids ganun din po.
“So ganun po yung routine,” pahayag pa ni Marian.
(ROMMEL L. GONZALES)