• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 1:25 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P15 minimum pasahe sa jeep, hihimayin sa Pebrero 19

TINIYAK ng Land Trans­portation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) na itinakda na ang pagdinig sa Pebrero 19 para sa nakabinbing petisyon na itaas sa P15 ang pamasahe para sa mga jeepney.

Inihayag ito ng LTFRB Technical Division Joel Bolano sa panayam ng Super Radyo dzBB nitong Sabado.

“Ang petisyon ay ga­wing P15 ang minimum fare mula sa kasaluku­yang P13,” ani Bolano.

Aniya, ang petis­yon na diringgin sa Miyerkules ay inihain noong pang 2023.

Kaugnay ng nasabing petisyon ang pag-apruba noong Oktubre 2023, ng P1 provisional increase sa minimum fare para sa public utility jeepneys, na ginawang P13 mula sa P12 singil sa pamasahe sa traditional jeepneys at ginawang P15 ang sa modern jeepneys mula sa P14.

Noong nakalipas na buwan nang magpaha­yag ang LTFRB na pinag-aaralan na nila ang nakabinbing petisyon ng iba’t ibang transport groups na makapagtaas sila ng singil sa minimum fare.

Masusing sinusuri at isinasaalang-alang ng LTFRB ang trend sa presyo ng gasolina, inflation rates, at ang pangkalahatang epekto sa ekonomiya sa riding public, ayon sa ahensya. (Gene Adsuara)