• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 1:26 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hiling ng PAOCC sa NBI, baguhin ang polisiya sa pagde-deport ng foreign POGO workers

HINILING ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa National Bureau of Investigation (NBI) na baguhin ang polisiya sa pagpapalabas ng clearance para sa mga foreign workers ng ipinasarang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

 

 

“Unfortunately, may policy ang NBI na before they can provide an NBI clearance, ‘yung mga potential deportee kinakailangang i-present ang copy ng kanilang passport,” ayon kay PAOCC spokesperson Winston Casio sa isang panayam.

 

 

“That becomes a problem dahil karamihan sa kanila, ‘yung kanilang passport ay kinukuha ng kumpanya,” ang sinabi pa rin ni Casio.

 

 

Sa ulat, nais ni Senador Raffy Tulfo na agad nang ipa-deport o pabalikin sa kani-kanilang mga bansa ang lahat ng mga dating empleyado ng POGO na nananatili pa rin dito sa Pilipinas.

Sa naging pagdinig sa senado, sinabi ni Tulfo na dapat hanggang sa katapusan ang Pebrero ay mapaalis na ng bansa ang mga foreign POGO workers.

Giit ng senador, dahil ipinagbabawal na ang POGO operations sa bansa ay wala nang dahilan para mnatili dito ang mga foreign POGO workers.

 

 

Ayon sa Bureau of Immigration, may 3,024 nang napa deport na dayuhang POGO worker mula noong December 31 deadline para saga POGO operations sa bansa.

Nasa 22,609 na mga dayuhang kusa nang umalis ng Pilipinas mula sa 33,863 na POGO foreign workers.

Sinabi naman ng PAGCOR na may close coordination na sila sa National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Immigration (BI), at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) para tugunan ang natitira pang guerrilla-type POGO operations sa bansa.

Dahil dito, sinabi ni Casio na hiniling ng PAOCC sa NBI na baguhin ang polisiya nito sa pagpapalabas ng clearances para sa mga deportees.

“Nag-request kami sa NBI na tanggalin ang policy na ‘yun at hayaan na lang na ‘yung document na galing sa Immigration  —’yung entry record ng mga deportee from the BI— ang magsilbing proof of identity nila,” ang sinabi ni Casio.

 

 

“Sinulatan na namin sila [NBI] and we believe na magiging positive naman ‘yun… Nag-request kami na kung pwede, tanggalin ang requirement na ‘yun para mapabilis ang deportation,” aniya pa rin.

(Daris Jose)