• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 25, 2025
    Current time: October 25, 2025 2:23 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magtatapos ang matagumpay na ‘Barako Fest’ sa isang bonggang concert: LUIS, suportado hanggang dulo nina VILMA at JESSY sa kanyang pagkandidato

MALAKING sakripisyo nga ang ginawa ng award-winning TV host na si Luis Manzano nang magdesisyon na ito na tumakbong vice governor ng Batangas at bilang katuwang ng ina at Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto na nagbabalik bilang gobernador.
Inamin nga ng asawa ni Jessy Mendiola na apat na endorsements ang nawala sa kanya dahil hindi na sila nag-renew dahil sa pagpasok niya sa pulitika.
Humarap nga sa members ng entertainment media sina Luis sa media con para sa Barako Fest 2025 na ginaganap noong Huwebes, February 13 sa Lipa City, Batangas.
Ayon kay Luis, “To be honest, lahat naman tayo matatanda na sa industriyang ito, sa katunayan marami sa mga endorsements ko ang hindi na nag-renew.
“Agad-agad nu’ng naisipan namin na mag-file (ng COC), isa yun sa sinabi ni Gov. Vi, noong unang usapan talaga namin, kumakain kami.
“Sabi ni Gov. Vi, ‘Anak, alam na alam ko ang industriyang ito (pulitika), sa maniwala ka na o sa hindi, the moment na mag-announce ka na at lahat-lahat, kahit ang mga endorsements mo mawawala at aatras.  Sa katunayan sa tatlo o apat na endorsements ko, ang nag-pull out na.”
Dagdag pa niya, “nakapag-taping na rin kami ng finale episode ng ‘Rainbow Rumble’, kaya nagpaalam na kami.
“Sabi ko naman, naiintindihan ko rin naman yun, na ang income ko ay tatamaan talaga.
“Pero sabi naman ni Gov. Vi, na ramdam ko naman simula’t-sapul.  Sabi niya, ‘Anak, mabawasan ka man ng commercials, ng endorsements, mas masarap ang tulog mo dahil mas marami kang natutulungan na tao.”
Natanong naman si Jessy tungkol sa kanyang pagsuporta kay Luis, na noong una ay parang hindi approved na maging pulitiko ang minamahal na asawa.
“Right now po, susuportahan ko po ang aking asawa ng 100%,” pahayag ng aktres.
“Siyempre po, nanay rin po ako, I’m worry about my daugther’s future.  Gusto ko pa maganda ang kalalakihan niyang environment, sa ating probinsya at bansa.”
Pag-amin pa ni Jessy, “totoo po na nagkaiyakan kami.  Sabi ko nga sa kanya noong mag-nobyo pa lang kami, ‘ay naku, pag tumakbo ka, hihiwalayan talaga kita?’
“Eh, nasaan na po tayo ngayon, magkasama pa rin po tayo ngayon.
“Nakilala ko po si Luis na kakaiba ang puso niya.  Kahit nasa showbiz pa lang siya, tumutulong na siya at hindi nagpapasabi ng pangalan.
“Minsan nga po, kulang na lang ipagsigawan ko na, ’si Luis po yan, si Luis po yan!’  At hindi pa doon natatapos ang pagtulong niya, tsinitsek pa po niya ang kalagayan nang tinulungan niya at kung tuloy-tuloy ang assistance and everything.
“So, sabi ko, he has the heart and very smart.  At kanino pa ba siya magmamana at sino ang magtuturo kundi si Governor Vilma Santos-Recto, ang aking momskie.
“Kaya sana, mapabigyan po siya na makapaglingkod.  At hiling ko lang po ay sana magtuloy-tuloy lang ang aking suporta sa kanya.  Hanggang sa makakaya ko po, kahit hatiin ang katawan ko, sasamahan ko po siya sa lahat bilang asawa po niya.”
Naglabas naman ng appreciation post si Luis para sa kanyang maganda at very supportive na asawa.
“Appreciation post for my Wowow @jessymendiola who has been with me every step of the way… ikot sa Batangas, work, kahit nagkasakit, may sakit, as parents kay Peanut and lahat lahat na.
“Thank you wowow, love you and lapit na anniv natin (three red hearts emoji)”
“100%, I will always be by your side no matter what. Laban lang tayo. I love you, Lucky!,” sagot naman ni Jessy.
Kasama nina Ate Vi at Luis si Ryan Christian Recto na tumatakbo namang kongresista sa 6th District ng Batangas ang nagbukas ng pagsisimula ng Barako Fest 2025 sa Lipa City na tatagal hanggang February 15.
Nilibot ng mag-iina ang kahabaan ng Manila-Batangas Bypass Road sa Marawoy, Lipa City kung saan daan-daan ang nag-participate na mga negosyo mula sa iba’t ibang bahagi ng Batangas.
Nagkaroon din ng groundbreaking ceremony para itatayong bonggang pasyalan na ’The Bean @ Barako Triangle.
Ayon naman kay Bryan Diamante, ang president at chief executive officer ng Mentorque Productions, na siya ring organizer ng 3rd Barako Festival, “is not just a celebration of Batangas province’s high-quality coffee variety.
“It also highlights the top products of each city and municipality and how they create jobs and boost the local economy.
“Hotels are fully booked. Restaurants are always full. It couldn’t get any better than this.”
At sa huling araw (Feb. 15) ng Barako Fest 2025, marami pang activities ang matutunghayan tulad Barako Games, Battle of the Legends, Angkeys to Win, Angkas Job Fair, Moto Gymkhana Slalom, Last to Take Hands Off, Trade Fest, Food Fest, Dirt Fest, Basketball Championship, Celebrity Game, Play Fest, Drift Fest, Car & Motor Show, at Content Creator Fest.
Magtatapos ang successful event sa isang bonggang concert at ilan sa magpi-perform ay sina Joshua Garcia, Alex Gonzaga, Ron Angeles, Hev Abi, KZ Tandingan, JC Santos, Jerome Ponce, Mike Swift, Jessy Mendiola, Eclypse, Good Boyz, ang newest all-girl P-pop group Eleven11 at si Vice Ganda.