• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EDSA busway di na tatanggalin

NAGPAHAYAG na ang Department of Transportation (DOTr) na hindi tatanggalin ang EDSA busway kung kaya’t nakahinga ang mga pasahero na tumatangkilik at sumasakay sa EDSA Carousel.

 

     Tinatayang may mahigit sa 20,000 na pasahero ang sumasakay sa EDSA Carousel na dumadaan sa EDSA busway ang natuwa ng sinabi ng DOTr na final na ang kanilang desisyon na hindi ito aalisin.

 

     “The exclusive bus lane in EDSA would be retained, as endorsed by President Marcos,” wika ni DOTr Secretary Jaime Bautista.

 

     Kamakailan lamang ay nakipag-usap si Bautista kay President Marcos kasama ang mga Cabinet members kung saan pinag-usapan ang tungkol sa traffic management sa kalakhang Maynila. Doon ay napagkasunduan na panatilihin ang busway subalit kailangan pagandahin ang mga pasilidad at serbisyo nito.

 

     “We are not removing the EDSA busway. That was raised as part of the discussion, but it would be kept as is with enhanced facilities and services,” dagdag ni Bautista.

 

     Ayon kay Bautista ang busway ay hindi katulad ng binibigay na serbisyo ng MRT 3 dahil ito ay dumadaan mula North Avenue hanggang Taft Avenue lamang habang ang busway naman ay may operasyon mula sa Monumento hanggang Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

 

     Sa ngayon, ang DOTr ay nakikipag-ugnayan sa pribadong sektor upang magkaroon ang busway ng mga pasilidad para maging mas maganda ang operasyon at pagmimintina nito.

 

     Gumagawa na rin sa ngayon ang DOTr ng terms of reference (TOR) para sa concession ng busway na naglalayon na maibigay ang nasabing inprakstura sa pribadong sektor sa taong 2026.

 

     “Our feasibility study will be completed within the next few months, and we are expecting that we will be able to award the operations and maintenance of the busway by the end of 2026,” saad ni Bautista.

 

     Dati pang sinabi ni Bautista na maraming kumpanya ang nagparating ng kanilang intensyon sa DOTr na gusto nilang makilahok sa kontrata para sa operasyon at pagmimintina ng nasabing busway. Kung sino man ang mananalo sa kontrata, ang kumpanya ay kailangan gumagawa ng mga aksyon na magkaron ng upgrading ang busway na may international na kalidad.

 

     Sa ngayon, ang EDSA busway ay ginagamit ng carousel buses na may operasyon mula Monumento sa Caloocan hanggang PITX. Ginagamit din ito ng mga airport buses at point-to-point units.

 

     May naitalang 63 million na mga pasahero ang gumamit ng serbisyo nito noong nakaraang taon at sa kasalukuyan ay may 177,000 na mga Filipinos ang nabigyan ng serbisyo nito.

 

     Kamakailan lamang ay naglabas ng isang pahayag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tatangalin ang busway upang bigyan daan ang paglalagay ng isang lane para sa mga pribadong sasakyan matapos ang gagawing rehabilitation ng EDSA. LASACMAR