Kasalukuyang election laws, dapat ng amyendahan-PPCRV
- Published on February 14, 2025
- by Peoples Balita
NAPAPANAHON na umanong amyendahan ang kasalukuyang election laws sa bansa kung saan malayang nakakapangampanya ang mga kandidato bago pa man opisyal na magsimula ang campaign period na dapat na ituring na paglabag sa batas ng halalan.
“We hope that our legislators will amend the rules that allow candidates to advertise themselves before the campaign period because it goes against the spirit of the law. If they use taxpayer’s money for these, it is an abuse of authority and wrongful use of taxpayers’ money,” ayon kay Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Chairperson Evelyn Singson.
Paliwanag ni Singson, napapanahon na upang muling pag-aralan at suriin ang kasalukuyang umiiral na election laws sa bansa upang maiakma ito sa kasalukuyang panahon kung saan higit na umiiral ang teknolohiya at makabagong paraan ng pangangampanya.
Kabilang sa partikular na tinukoy ni Singson ang pangangailangan na mawakasan na ang political dynasties sa bansa at ang pagpapataas sa kamalayan ng mga botante sa kahalagahan ng kanilang boto para sa bayan.
Giit ni Singson, mahalaga na masuri ang pag-amyenda sa mga batas ng halalan sa bansa upang matiyak na manaig ang tunay na demokrasya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng patas na pagkakataon sa lahat mahirap man o mayaman na maglingkod sa bayan.
“It is time to review our Election Laws and introduce reforms that recognize changes in technology and the needs of the time. We need laws that prevent political dynasties and improve the quality of voters and candidates. We need reforms that will not allow money to determine winners but reforms that will give fair and equal opportunity for rich and poor candidates to run for public office,” ayon pa kay Singson. (Gene Adsuara)