• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Iranian at American, inaresto sa magkahiwalay na operasyon ng BI

INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence ang isang  Iranian at  American national sa magkahiwalay na operasyon sa Pampanga at Isabela.

 

Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang naaaresto na si Amirhossein Moghaddasi, 52, sa loob ng  Clark Civil Aviation Complex  sa  Clark Freeport Zone, Pampanga.

 

Si Moghaddasi ay inaresto ng mga operatiba ng  BI intelligence makaraang nakatanggap ng reklamo na sa kabila ng mayroon itong working visa ay nagtatrabaho sa ibang kumpanya.

 

Kinumpirma naman nito ni  Moghaddasi na nagtatrabaho ito sa ibang kumpanya makaraang nagsara ang kanyang dating pinapasukan.

 

Samantala, inresto naman si  James Brian Dunlap, 68, sa Brgy. Silawit, Cauayan City sa Isabela dahil sa pag-overstaying nito sa bansa  ng halos 25  buwan na siang paglabag sa Philippine immigration laws.

 

Ang dalawa ay inilipat sa  BI  facility sa  Camp Bagong Diwa in Bicutan, Taguig at nahaharap sa  deportation charges. (Gene Adsuara)