KAMPANYA NG PARTY LIST NG FIRE AT RESCUE VOLUNTEERS, UMARANGKADA NA
- Published on February 12, 2025
- by Peoples Balita

ISANG kick-off motorcade rally ng isang grupo ng party list sa mga fire at rescue volunteers sa buong Pilipinas na nagsimula sa harap ng Bureau of Immigration sa Intramuros Maynila ang umarangkada na sa pagsisimula ng campaign period para sa darating na halalan ngayong Mayo 2025.
Mahigit na 200 sasakyan ng mga fire and rescue volunteers ang nakilahok kabilang ang nasa 3,000 supporters mula sa iba’t ibang organisasyon na nagpakita ng suporta sa Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) No. 134 sa balota .
Ang Bumbero ng Pilipnas (ABP) party list ay pinangungunahan ni first nominee Jose Antonio “Ka Pep” Goitia kasama ang iba pang nominado na sina Leninsky Bacud, Catleya Cher Goitia, Jose Mari Alfonso Goitia, Carl Gene Moreno Plantado at Howie Quimzon Manga.
Ayon kay Ka Pep Goitia maghahain sila ng resolusyon para sa kapakanan ng mga fire volunteers and rescuers na katuwang sa mabilis na pagtugon sa mga sunog, sakuna at kalamidad sa bawat komunidad sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas, gayundin ang mga benepisyo sa lahat ng firefighters, fire and rescue volunteers at iba pang volunteers at kaalaman sa pagtugon at paghahanda sa kalamidad. (Gene Adsuara)