• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Impeachment, puwedeng talakayin kahit sa 20th Congress

INIHAYAG ng dalawang mambabatas na maaari pa ring dinggin kahit sa susunod na kongreso (20th congress) ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte,

 

“Opo, kaya nga po ito po’y tinapos namin at filed na, dahil, eto po ang bola po ay nasa Senate na at ‘yung Senate po pupuwede na po nilang i-hear ito base po dun sa Articles of Impeachment na aming na-filed,” ayon kay Manila Rep. Joel Chua, miyembro ng House prosecution team.

 

Sinabi ni Chua, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, na maihahambing ito sa U.S., impeachment cases na tinalakay kahit sa sumunod na kongreso.

 

“Alam ninyo sa Amerika nangyayari ‘yan, nakaka-apat na rin yata kung saan sa ibang Congress na-file ‘yung impeachment, sa next Congress doon na-try ‘yung impeachment. So ito po’y hindi naman bago, nangyari na rin po ito sa Amerika,” pahayag ni Chua.

 

Inihalimbawa naman nin Tingog Party-list Rep. Jude Acidre ang kaso ni dating U.S. President Bill Clinton na na-impeach noong 105th Congress. Ang trial nito ay nangyari ng 106th Congress, Senado ng 106th Congress.

 

Ang rules on impeachment sa Pilipinas ay ginaya sa U.S. impeachment system, na may ilang pagkakaiba. (Vina de Guzman)