• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

180 na puganteng dayuhan, naaresto ng BI noong 2024

MAY kabuuan na 180 na puganteng dayuhan ang naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI)  dahil sa iba’t-ibang krimen sa kanilang bansa.

 

Sa ulat kay Immigration Commissioner Joel Viado,  sinabi ng  BI fugitive search unit (FSU) na ang mga puganteng dayuhan ay inaresto ng mga operaatiba sa iba’t-ibang lugar na kanilang pinagtataguan.

 

“Nearly all of them were already deported to their countries of origin where they are currently serving time in prison after being convicted for crimes they committed,” ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy.

 

Sinabi ni Viado na wala siyang lulubayan sa kanyang kampanya laban sa mga dayuhang kriminal na ginagawang taguan ang Pilipinas.

 

“As we have repeatedly declared, the Philippines is off limits to all foreign fugitives. This country is not a sanctuary for alien criminals,” ayon sa BI Chief.   “The order of the President is clear–protect our nation from external threats,” dagdag pa nito.

 

Nanguna sa listahan ang  74 Korean nationals ,  sumunod ang  Chinese na 62 habang  12 ang Taiwanese, 11 ang  Japanese, at 7 Americans, 2   Italians at 2 din ang  Australians.

 

Kasama rin sa listahan ang  Briton,  Canadian,  German,  Indian,  Indonesian,  Jordanian,  Kyrgystani,  Liberian,  Nigerian, at  Serbian.

 

Kabilang sa mga krimen na ginawa ng mga dayuhan ay economic crimes, investment scams, illegal gambling, money laundering, telecommunications fraud, robbery, at narcotics trading.

 

Kabilang din sa mga notableng inaresto ang ang anim na Japanese na miyembro ng  “Luffy” gang – Takayuki Kagashima, Sawada Masaya, Ueda Koji, Sjuzuki Seiji, Kiyohara Jun, Nagaura Hiroki –  na wanted sa pagkakasangkot sa scams, extortion at fraud activities.

 

Sa mga high profile ay ang pagkakaaresto sa isang  Australian na si  Gregor Johann Haas at Serbian Predrag Mirkovic, na wanted sa  illegal drugs gayundn ang

Indian-Nepalese Joginder Geong na inaresto daahil sa kasong murder, extortion at  robbery. (Gene Adsuara)