Pangunguna sa mga lumagda sa impeachment complaint laban kay VP Sara, hindi dapat ikagulat ng publiko
- Published on February 11, 2025
- by Peoples Balita
AYON kay House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Marcos III, hindi dapat ikagulat ng publiko na siya ang unang mambabatas na pumirma sa impeachment complaint laban sa VP.
Ang mga pagbabanta ng VP laban sa kanyang amang si Pangulong Bongbong Marcos, inang si First Lady Liza Araneta Marcos at kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez nitong Nobyembre ang siyang dahilan kung bakit lumagda siya bilang unang impeachment endorser.
“As to why I was the first one to sign, alangan naman kung sasabihin ng tao na gusto niyang hukayin ‘yung Lolo mo at itapon ‘yung katawan sa West Philippine Sea, sasabihin niya gusto niyang patayin ang Pangulo at ang First Lady na aking magulang at gusto niyang patayin ang Speaker, eh, but naman nagugulat ang tao na pumirma ako dyan? You know, these are statements that can’t be taken lightly especially from someone with such a high position,” ani Marcos.
“So nagtataka nga ako kung bakit nagulat ‘yung tao eh, alangan naman kung sasabihin mo huhukayin mo ang lolo ko, eh, of course I’ll be the first one to sign. That should come as no surprise. And so that’s why I was the first one to sign,” dagdag nito.
Sinabi nito noong humingi siya ng payo mula sa kanyang ama ay sinabihan nito na gawin nito ang tungkulin bilang isang mambabatas at tuparin ang sinumpang tungkulin sa kontstitusyon na protektahan ito.
Pinasinungalingan naman ng mambabatas na pinangunahan niya ang pangangalap ng pirma sa impeachment petition.
“Katulad sa sinabi ng Pangulo, I think people give me too much credit. I was given the opportunity to sign and I did sign but I did not spearhead any movement or I did not try to convince anyone to sign. I think they did that on their own volition,” dagdag ni Marcos.
Umabot sa total na 215 ang lumagdang kongresista, ngunit may 25 pa ang nagpahayag nang kanilang kagustuhan na lumagda sa reklamo.
Para naman sa tsismis na pangakong fund releases sa mga lumagda sa impeachment, sinabi ni Marcos na “I think that’s just part of ‘yung mga fake news ng mga DDS, parte po ‘yan ng smear campaign nila. To discredit the (impeachment) movement. You can’t blame them. Alam naman natin nung sino amo nila. But no, there was nothing offered in exchange for the signatures. I was there in the room. Pinag-usapan talaga ang articles of impeachment and then people were given the choice to sign or not.”
Nasa senado na aniya ang desisyon kung ibabalewala nila ang opinion ng mga mambabatas at ang mga iba’t ibang grupo sa tingin nila kailangan ma- impeach ang VP. (Vina de Guzman)