• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wala pa silang plano sa Valentine’s Day: JESSY, after election pa balak sundan ang anak nila ni LUIS

SINCE malapit na ang Valentine’s Day, natanong namin si Jessy Mendiola kung may plans na ba sila ni Luis Manzano?

“Naku wala pa, ang Valentine’s plans namin ay to stay here with Rosie and siyempre tuluy-tuloy and work ng campaign and everyday is Valentine’s Day with Luis, so okay lang kahit walang plano basta magkasama kami.”

Nahingan si Jessy ng updates sa kanilang two-year old daughter na si Rosie.

“Yes, super ano na niya, super daldal na niya and may mga sarili na siyang moods, may mga sarili na siyang decisions sa buhay,” at natawa si jessy.

“Pag ayaw niya talagang sasabihin niya, ‘No mama, ayaw,’ ganun siya.

“Pero malambing siyang bata talaga, I think nakikita niya kasi yun sa amin.”

So kailan magiging ate si Rosie?

“Naku tapusin muna natin itong eleksyon kasi ayoko ding ma-stress, di ba? Sabi ko din yun, but really, for me, as soon as possible, I really want lots of kids, but as of now siyempre di ba, it’s not the right time.

“So pag binigay ni Lord, okay, pag hindi pa, okay din.”

Lalaki ba ang nais niyang susunod na maging anak?

“Oo, gusto ko nga girl, boy, girl,” ang nakangiting sagot pa ni Jessy.

Kapwa nga abala ngayon ang mag-asawang Jessy at Luis.

Si Jessy sa mga showbiz events tulad ng pagiging celebrity endorser ng Manila Diamond Studio at si Luis naman ay sa paghahanda sa nalalapit na eleksyon sa Mayo.

“Ngayon back to work na talaga, kaya ano, medyo busy talaga si Luis din,” umpisang sinabi ni Jessy.
Gaano ba ka-supportive si Jessy kay Luis?
“Oh my, mga one million percent supportive ako,” tugon ng aktres.
Tatakbo si Luis bilang Bise-Gobernador ng lalawigan ng Batangas at unang beses ito na tatakbo si Luis kaya unang beses rin na mangangampanya si Jessy para sa kanyang mister.
Aminado si Jessy na excited siya sa mga magaganap.
Lahad niya, “We are very excited and also at the same time, we are very nervous.
“Of course, siyempre bagong mundo ito e, para sa amin, para sa amin ni Luis and I know how hard it is. I know how challenging it is na… di ba, siyempre artista siya, celebrity siya.
But kilala niyo naman si Luis, di ba? He’s very generous and he’s very smart. He’s very… he’s willing to give his heart to everyone.
So para sa akin, yung feeling ko at talagang alam ko, na kayang-kaya talaga niyang mag-lead and to take care of people. So sana, mabigyan ng pagkakataon na manalo.”
Pero may kaba din bang nadararama si Jessy, lalo pa nga at ang pulitika ay maituturing na mas marumi kaysa showbiz.
“Actually, ano naman, may two sides yan e, talagang may madumi, unfortunately meron talaga pero meron din namang mga lumalaban para maging maayos din.
“So sana mabigyan talaga ng pagkakataon yung asawa ko, kasi alam ko kung gaano siya talagang sure na sure niya na gusto niya talagang pagsilbihan yung mga tao, to serve, at alam naman natin lahat, di ba?
“Na talagang si Luis, meron talagang potential to be, you know, a great public servant and sana yun nga, tulad ng sinasabi ko kanina, sana mabigyan siya ng chance to show and prove that sa ating mga kababayan.”
Ano sa palagay ni Jessy ang nakakumbinsi kay Luis na tumakbo sa eleksyon ngayong 2025?
“Ano nga ba? A lot of things. Even before pa pinipilit na rin siya na tumakbo and I think yun nga, tulad ng sinabi ko kanina, he’s very giving, masipag siya and gusto talaga niya na mapakita din na kaya din niya.
“So ngayon, finally, siguro he saw the opportunity na finally nabigyan siya ng chance to run, so talagang sabi niya, ‘Itutuloy ko na ‘to love, 100% sure na ako gusto ko na’.”
At si Jessy, gaano siya kahanda upang umikot at makisalamuha sa mga taga-Batangas?
Biro nga namin kay Jessy kung nagpa-praktis na ba siya na kumaway sa mga tao?
“Ay wala ng practice-practice,” bulalas ni Jessy.
“Ganap na ngayon, ginagawa na talaga and I don’t think…you know, I don’t think pina-practice pa yun, kasi as long as you are genuine, as long as nakakasama mo sila lagi, masasanay ka talaga, e.
“And natutuwa naman din ako to see a different world, di ba?”
Handa na rin si Jessy sa mas abalang mga ganap sa pagsisimula ng kampanya.
“Yes, of course naman. Napag-usapan na namin ni Luis yan e, sabi niya, ‘O love, tuluy-tuloy na tayo, ha?’
“So sabi ko, ‘Yes, go!’
“Go, go, go, ika nga ni Madam Rufa Mae,” at tumawa si Jessy na ang tinutukoy ay si Rufa Mae Quinto at ang signature line ng komedyana.
(ROMMEL L. GONZALES)