• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Umawit ng Tagalog version ng theme song ng ‘Meteor Garden’: JOSH, nag-pay tribute din sa pagpanaw ng Taiwanese star na si BARBIE HSU

NAG-PAY tribute din sa pagpanaw ng Taiwanese star na si Barbie Hsu ang singer-turned-doctor na si Josh Santana.
Si Josh ang umawit ng Tagalog version ng theme song na “Qing Fei Di Yi” na mula sa  pinagbidahang Taiwanese series ni Barbie kasama ang F4 na ‘Meteor Garden’.
On Instagram, binigay ni Josh ang request ng netizens na awitin ang “Can’t Help Fallin.”
“I’ve been asked to sing this so many times before and I’ve kept many people waiting because of my busy schedule. However, I can no longer keep an entire generation of Meteor Garden fans waiting most especially now that we all would like to pay tribute to the one and only Barbie Hsu who gave life to the character of Shan Cai,” caption pa niya.
As of writing, the video garnered over 102,000 views and 3,000 heart reactions.
Originally sung by Taiwanese artist Harlem Yu, “Can’t Help Fallin” was released in Tagalog by Josh in 2004, shortly after Meteor Garden premiered in the Philippines.
Josh Santana is now a doctor and online content creator. Naging regular performer noon sa ASAP si Josh at naka-pareha si Carol Banawa sa teleserye na Bituin noong 2002.
***
BALIK-TELESERYE si Pokwang matapos ang dalawang taon.
Mapapanood siya sa GMA Afternoon Prime series na ‘Binibining Marikit’ na pagbibidahan nila ni Herlene Budol.
Sa serye, gaganap si Pokwang na Mayumi, ang biological mom ni Ikit, na gagampanan ni Herlene. Malapit ang karakter niya sa kanyang tunay na buhay dahil, gaya niya, nagtrabaho rin si Mayumi sa Japan at umunlad ang buhay.
“Madalas kasi nanay ako, mahirap. Dito sa Binibining Marikit, nag-Japan pa kami, hello? Amoy mayaman naman ako dito, maiba lang,” ani Pokwang.
Bukod pa rito, nanay rin si Mayumi ng dalawang binata na anak niya sa magkaibang foreigner. Gaganap na mga anak niya sa serye sina Tony Labrusca at ang Thai-Irish model and Manhunt International 2024 Kevin Dasom.
Matatandaang pina-deport ni Pokwang ang kanyang dating partner na si Lee O’Brian, isang American national.
Biro tuloy ni Pokwang, “Wala na pong deportasyon na mangyayari.”
Dugtong niya. “Yung mga pinagdaanan po namin ni Herlene, wala na po. Kabag na lang po ‘yun, naibuga na po namin ‘yun this time.”
Samantala, thankful din si Pokwang na nakatrabaho niya ang kanyang ‘TiktoClock’ co-host sa soap opera dahil, aniya, para na rin silang tunay na mag-ina sa set ng ‘Binibining Marikit.’ 
(RUEL J. MENDOZA)