• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bigas, ibebenta sa P35/kilo sa ilalim ng food security emergency

PUWEDE nang bumili ang mga consumers ng bigas sa halagang P35 kada kilo kasunod ng deklarasyon ng food emergency sa bigas.

 

Iyon nga lamang, ito ay magdudulot ng pagkalugi sa National Food Authority (NFA) ng hanggang  P2.25 billion dahil ipagbibili ito sa mas mababang presyo kaysa  sa presyo nang pagkakabili ng suplay.

 

Ayon kay NFA Department Manager Roy Untiveros, ipalalabas ng ahensiya ang stocks nito, well-milled rice ng hanggang tatlong buwan sa local government units (LGUs), government-owned and -controlled corporations (GOCCs), at Kadiwa ng Pangulo (KNP) sites sa halagang P33 per kilo.

 

Kumpara sa actual buying price ng NFA noong  2024, ipinagpapalagay NFA na ang pagkalugi kada kilogram ay P12 hanggang P15. Nakatakda namang magpalabas ang ahensiya ng 150,000 metric tons sa loob ng anim na buwan, ito ay magta-translate sa kabuuang pagkalugi na P2.25 billion.

 

Sinabi ni Untiveros na nagpadala na ng liham ang NFA  sa LGUs para itatag ang demand, magiging basehan ng monthly allocation sa mga lugar, subalit hindi pa nakatatanggap ng tugon.

 

Ito’y matapos na ideklara ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., araw ng Lunes ang food security emergency sa bigas base sa rekomendasyon mula sa National Price Coordinating Council (NPCC), tinukoy ang mataas na presyo kahit pagkatapos na bumaba ang  ‘cost of production’at mas mababang taripa sa imported rice.

 

Ang  stocks ay ipalalabas sa pamamagitan ng Food Terminal Inc. (FTI), at pagkatapos ay ibebenta sa publiko sa halagang P35 kada kilo, kabilang sa “cheapest available” habang hangad ng pamahalaan na mas mababa ang presyo ng bigas sa level na nakitang pagsirit na naitala noong Hunyo at Hulyo 2023.

 

“Ito po ay suggested to be sold to the public by the LGUs at P35 (per kilogram). Hopefully ito po ay magkaroon ng epekto sa pagbaba ng presyo ng bigas sa ngayon,” ang sinabi ni Untiveros sa  briefing sa Quezon City.

 

Base sa pinakabagong  data na  available mula price monitoring  ng DA, makikita na ang presyo sa Metro Manila markets ay mula P41.24 hanggang P59.14 per kilo “as of February 1,” habang ang  Kadiwa prices ay P38.00 per kilo.

 

Kinukumpara ito sa  P36.00 hanggang P60.00 per kilogram range na naitala noong May 31, 2023, bago pa ang pagtaas na naitala noong  Hunyo at Hulyo 2023. (Daris Jose)