Mga pro-China candidates sa halalan, huwag iboto
- Published on January 27, 2025
- by Peoples Balita
UMAPELA si House Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V sa mga Pinoy na huwag iboto ang mga pro-China candidates ngayong darating na May midterm elections.
Kasunod na rin ito sa ulat na gumamit ng sonic device ang isang Chinese vessel sa Philippine Coast Guard ship malapit sa Zambales.
Ang device ay nagpapakawala ng nakakabinging ingay o noise, na nagbibigay panganib sa kalusugan at kaligtasan ng mga personnel ng bansa.
“This is no longer just about the West Philippine Sea—it’s about our future as a nation. Supporting candidates who are soft on China is the same as endorsing the harassment of our Coast Guard and the exploitation of our natural resource,” anang mambabatas.
Lalo pang pinalalakas ng Tsina ang kanilang presensiya sa wps, gamit ang water cannons at ngayon ay acoustic weapons para takutin ang mga pinoy.
“Bawat Pilipino ay dapat magtanong: Pahihintulutan ba natin na kontrolin ng China ang ating mga desisyon? O pipiliin natin ang mga lider na ipaglalaban ang ating soberanya at hindi magpapadala sa mga dayuhang mananakot?” pahayag pa ni Ortega.
Hinikayat pa nito ang mga botante na gamitin ang kanilang balota bilang armas aat depensa laban sa panghihimasok ng dayuhan.
“A vote for pro-China candidates is a vote against the heroes who fought for our independence, the fishermen fighting for their livelihood, and the Coast Guard risking their lives to protect our seas. We must elect leaders who put the Philippines first—leaders who champion our flag in every forum and stand shoulder-to-shoulder with our people in adversity,” pagtatapos nito. (Vina de Guzman)