• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 2:39 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinaaliwan ng netizens ang viral na ‘Bangkok Transformation’: DENNIS, nag-sorry agad sa pinagawang challenge sa kanya ni JENNYLYN

SA kanyang TikTok account agad palang nag-sorry si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa kanyang video tungkol sa “Bangkok Transformation” challenge na nag-trending at nag-viral sa social media.
Inamin niyang ipinagawa ito sa kanya ang asawang na si Ultimate Star Jennylyn Mercado na hindi raw niya talaga matanggihan.
“Sorry guys, sabi kasi ng asawa ko gawin ko daw ito,” caption ni Dennis sa kanyang TikTok video kung saan mapapanood nga ang pagsunod niya sa hamon ni Jennylyn.
Mapapanood sa video ang iba’t ibang transformation ng Golden Best Actor ng MMFF, mula Day 1 daw niya sa Bangkok naka-shirt at pants hanggang sa umabot na siya ng one year.
At makalipas nga ang isang taon sa pananatili sa Bangkok, Thailand ay makikitang nakasuot na si Dennis ng pink wig with matching black spaghetti strap and floral skirt.
Kaya pakiusap ng aktor, huwag daw itong seryosohin dahil gusto lang niyang magdala ng good vibes sa newest TikTok entry.
Marami naman ang natuwa at naaliw na netizens sa nakakalokang paandar ni Dennis  sa kinarir na “Bangkok Transformation” challenge.
Nang silipin namin ang TikTok video, naka-279K like na ito at libu-libo na rin ang comments, ang sabi ng karamihan ay kamukha niya si Jen.
Hanga rin siya sa ginawa ni Dennis, na kitang-kita raw ang pagiging best actor, dahil hindi lang looks ang nag-iiba, pati na ang pagsasalita, lalo na ang accent and tone accuracy bilang trans sa Thailand.
(ROHN ROMULO)