Impeachment, hinahadlangan?
- Published on January 23, 2025
- by Peoples Balita
KINONDENA ng Makabayan bloc sa kamara ang mabagal umanong proseo o takbo ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kina ACT Teachers Rep. France Castro, GWP Rep. Arlene Brosas at
Kabataan Rep. Raoul Manuel, wala silang nasaksihang kasaysan sa kamara na natulog umano nang mahigit isang buwan ang impeachment complaints sa Secretary General’s office.
Naniniwala ang mga ito na ang pagalinlangan para i-transmit at simulan na ang impeachment proceedings ay nag ugat sa nakalipas na mga pahayag ni Presidente Marcos na sinabihan niya ang mga kaalyado na huwag maghain ng impeachment complaint laban kay Duterte dahil hindi naman ito importante at wala naman ito epekto sa pamumuhay ng mamamayang Pilipino.
ang ganito umanong pakikialam ay isang mapanganib na paghadlang umano sa constitutional processes at democratic accountability.
Hindi anila maaaring magpatuloy ang House secretary general sa pag-upo sa naturang mga reklamo.
“The Constitution mandates that impeachment proceedings must be initiated upon proper filing of complaints,” anang mga mambabatas.
nanawagan naman ang mga ito sa mga kasamahang mambabatas na igiit ang kanilang constitutional mandate at huwag hayaan na madiktahan umano ng Executive ang takbo at kalalabasan ng impeachment proceedings.
(Vina de Guzman)