• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 2:49 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi nabayarang P59.6-billion hospital claims ng Philhealth, pinasisilip

PINASISILIP  ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa Kamara ang hospital reimbursement claims na nagkakahalaga ng P59.6 billion na hindi nabayaran ng Philhealth.

Nakapaloob ito sa inihain niyang Resolution No. 2173.

 

“These non-payments of claims have resulted in the partial closure of some medical services of hospitals, and in some cases the full closure of hospitals,” ani Rodriguez.

 

Dagdag pa aniya ang mga manggagawa na nawalan ng trabaho dala na rin sa partial o full closure ng mga ospitals.

 

Sinabi pa ng mambabatas na importante na mabusisi ito ng Kamara upang makahanap ng paraan kung papaano matutulungan ang mga naturang ospital at mabayaran sila ng Philhealth.

 

Ang bigong pagbabayad o reimbursement ng Philhealth sa mga ospital nitong nakalipas na pitong taon ay nabunyag sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Health.

 

Sinabi nito na ang mga claims na na-deny o ibinalik sa mga ospital ay dahil sa “for correction.”

 

Inimpormahan ng Philhealth ang mga mambabatas na nitong 2024 ay nasa 483,000 ang denied claims na nagkakahalaga ng P4.7 billion; habang mula 2018 hanggang 2023, ay nasa 3milyong claims na nasa-total na P32.4 billion ang na-reject.

 

Iniulat ng Department of Health na karamiihan sa mga natanggihang claims ay dahil sa kabiguan ng mga ospital na mai-file ito sa loob ng 60 araw na isinasaad sa batas. (Vina de Guzman)