US Tennis Open, bubuksan
- Published on June 18, 2020
- by @peoplesbalita
Naghahanda na ang organizer ng US Tennis Open sa muling pagbubukas ng torneo at sinabing payag silang gawin ito kahit walang audience bilang pagtupad sa mahigpit na health protocols ng gobyerno.
Ayon kay US Tennis Association (USTA) spokesman Chis Wilderman target nilang buksan ang torneo sa Agosto sa New York.
Agad umano nilang iaanunsiyo ang mga pagbabago sakaling maaprubahan ng ang kanilang proposal.
Sinabi naman ni Richard Azzopardi, tagapagsalita ni New York Governor Andrew Cuomon, na pinag-aaralan na nila ang natanggap na proposal mula sa USTA.
Sinuspinde ang mga tennis tournament mula pa noong Marso matapos sumiklab ang coronavirus pandemic sa US.
Inilipat na rin ang French Open sa Setyembre 13 mula sa orihinal na petsang Mayo habang ang prestihiyosong Wimbledon ay kanselado na ngayong taon.