Kahit kakahiwalay pa lang niya kay Barbie: JAK, ‘di nagpaapekto at tuloy-tuloy lang sa sinimulang negosyo
- Published on January 17, 2025
- by Peoples Balita
KAHIT na kakahiwalay pa lang ni Jak Roberto sa relasyon nito kay Barbie Forteza, hindi ito naging hadlang sa kanyang sinimulan na negosyo.
Sa ‘Pera Paraan’ with Susan Enriquez, na-feature ang skin care products for men ni Jak na puwede ring gamitin ng mga babae.
Taong 2023 nang simulan ng Sparkle hunk ang kanyang JC Essentials.
“Grabe, sobrang challenging po. Kasi una ‘yung papers, ‘yung mga business permit. Siyempre, ‘yung mga office. Kasi, requirements ‘yan para makapag-apply ka ng business permit. Doon ako naglabas ng kapital.
“One person corporation ako, e. Wala akong partners. Kaya ako talaga kailangan ‘yung gumalaw. Kailangan mag-isip ng strategies, mag-isip ng mga marketing. Kailangan meron kang logo, meron kang brand name, product name,” sey ni Jak sa mga pinagdaanan niya sa negosyo.
Jak is hands-on with his business, which is now e-commerce-based, promoting it on social media.
“’Yung mga tao naman, mas easy access sa kanila na magpa-deliver na lang. Order online kasi ngayon may mga free shipping naman,” Jak said.
Ang best-selling product ni Jak ay ang masculine wash na panlinis ng mga sensitive areas sa katawan ng lalaki.
“Genital wash siya. ‘Yung product po na yun na masculine wash, pwede rin siya sa underarms, sa mga batok, sa legs, sa mga singit-singit. ‘Yung masculine wash, naisip ko kasi may friends ako na naghahanap, na dati bumibili pa sila sa ibang bansa. Hindi nila alam na meron na dito sa Pilipinas,” pagmamalaki ni Jak.
(RUEL J. MENDOZA)