BABAE, TINARAKAN NG PALABOY
- Published on June 18, 2020
- by @peoplesbalita
SUGATAN ang isang 33-anyos na babae matapos na saksakin ng isang babaeng palaboy na kanyang nakaalitan sa harap ng LA Cafe sa may M.H Del Pilar Street, corner Salas Street, Ermita, Maynila.
Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police Disteict (MPD)-Bocobo Police Community Precint ,ang biktima ay nakilalang si Annie Marcus,33 ng 2341-B, Dama De Noche Street, Arellano, Malate, Maynila.
Kasalukuyan ginagamot sa Ospital ng Maynilabang biktima dahil sa tama ng saksak sa likurang bahahi ng kaliwang balikat.
Naganap umano ang insidente dakong alas 8 ng gabi matapos na magkasagutan ang dalawa sa di malamang dahilan.
Nakilala lamang ang suspek sa alyas na Marilou,palaboy sa M.H Del Pilar Street, Ermita, Maynila na makikilala kapag nalitang muli ng biktima. (Gene Adsuara)