• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 2:59 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Itutuloy pa rin ang mga ipinangakong pagtulong: CHAVIT, nagdesisyong ‘di na tatakbo bilang senador dahil sa kalusugan

ISANG malungkot na anunsyo ang ipinahayag ng 83-year-old politician na si Manong Chavit Singsong sa kanyang speech sa ginanap na ‘Live Nationwide Caravan’ sa SM MOA Arena, dahil hindi siya tutuloy sa pagtakbo sa pagka-senador sa 2025 midterm elections.

Isang malaking dahilan kung bakit kailangan niyang umatras ay dahil sa kanyang kalusugan at ito ay dapat niyang unahin at pahalagahan.

Pagkatapos ng matagal na pag-iisip, pinatawag ko ang aking pamilya at mga mahal sa buhay. Pinaalala ko sa kanila na ang kalusugan ay kayamanan, pahayag ni Manong Chavit.

Inamin niya na tinamaan siya ng pneumonia noong isang linggo, kaya agad siyang dinala sa ospital.  Ang problema lang ay hindi siya makatulog, kahit binigyan ng sleeping pills.

Nagkaroon daw ng komplikasyon ang mga gamot, hanggang sa maayos ito at sa ikalimang araw ay nakaptulog na siya.

“Mga kaibigan, mahalaga ng maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng saya sa inyong lahat,”  sabi pa niya.
Kaya ito ang sinabi niya, “Matapos ang mahabang pag-iisip, ang desisyon ko po, hindi na po ako tutuloy sa aking kandidatura sa Senado.

“Hindi po biro ang kampanya, lalo na ang trabaho ang isang senador, kung talagang magtatrabaho. Ayaw ko pong ipilit kung ang aking kalusugan ay maaring magdusa.”

Pagpapatuloy pa niya, “Sa totoo lang, tumakas lang ako sa ospital dahil ayaw nila akong palabasin.  Nagamot nila ‘yung pneumonia, pero kailangan ko raw na mahabang panahon na pahinga.

“Pero gusto ko kayong makausap na personal.  Gusto ko pong makapaglingkod ng buong puso at buong lakas.

“Kaya minabuti kong unahin ko muna ang aking pagpapalakas, upang mas lalo pa akong makatulong at makapaglingkod sa inyong lahat,” saad niya sa speech.

Pag-uulit pa ni Manong Chavit, “tumakas lang po ako, pero babalik din ako agad.

“Kaya po humihingi ako ng paumanhin sa mga nagbigay ng kanilang oras, lakas at suporta para sa kampanya ko.

Isa raw si Manong Chavit na malaki ang itaas sa survey ng 11% pati na rin sa engagement at followers sa social media.

“Kung tayo ay tuloy-tuloy siguradong darating tayo sa Magic 12.  Ngunit kahyt tayo ay makarating doon, ang desisyon ko ay ganun pa rin.

“Dahil ayaw kong humingi ng boto bilang kapalit sa tulong na gusto kong ibigay sa inyo. Ang layunin ko po sa buhay ay simple lang, ang mapasaya ang tao.

Kaya ang tulong na binigay niya sa transport group ay ibibigay pa rin niya, tulad ng murang e-jeepney.

Tuloy-tuloy rin ang pagtulong sa pamamagitan ng ini-launch na Vbank, ang “Banko ng Masa” na layuning magbigay ng financial access sa bawat Pilipino.

Brainchild ni Manong Chavit ang Vbank, na mada-download ang mobile app, na pinadali ang pagkakaroon ng bank account, na walang hassle at mahabang pila. Mula sa pagbubukas ng online account, fund transfer, bills payments at pagbili ng mobile prepaid credits.

Priorities ng Vbank ang safety and convenience, na 24/7 ay puwede I-access anytime and anywhere, basta meron lang stable na internet connection.

Sa ginanap na Live Nationwide Caravan, tinuloy pa rin ni Manong Chavit ang pamimigay ng pasimula savings account na nagkakahalaga ng P580.00 sa lahat ng pumunta sa SM MOA Arena noong Linggo, January 12, at nakapag-register sa Vbank.

Umabot sa P5.8 million ang pinaghatian, bukod pa sa pa-raffle na kung saan 2 masuwerteng nasa MOA Arena ang nakatanggap ng P580K.

At dahil nga sa ‘di inaasahang kaganapan, ipagdasal natin na agad na gumaling si Manong Chavit at dugtungan pa ang kanyang buhay, para mas marami pang matulungan na mga Pinoy.

(ROHN ROMULO)