Pangalan ni Chavit, di aalisin sa balota matapos umatras sa pagka-Senador sa darating na eleksyon
- Published on January 14, 2025
- by Peoples Balita
MAISASAMA pa rin sa balota ang pangalan ni dating Ilocos Governor Chavit Singson .Ayon sa Commission on Elections (Comelec) hindi na maiaalis o matatanggal si Singson sa balota dahil nagsimula na ang pag-iimprenta.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia , ito ay kung itutuloy ni Singson ang kanyang naging anunsyo na pag-atras sa Eleksyon 2025.
Paliwanag naman ni Garcia na sakaling may makuha pa rin na boto si Singson ay idedeklara ito bilang stray vote at hindi bibilangin.
Ang pormal na paghahain ng withdrawal ni Singson ay hihintayin ng Comelec ngayong umaga.
Sinasabing usaping pangkalusugan ang dahilan ng pag-atras ni Singson sa senatorial race.
Ayon kay Garcia, dapat personal ang paghahain ng aspirante ng kanyang withdrawal at hindi puwedeng kinatawan lamang.(Gene Adsuara)