P361M naibahagu na financial assistance ng NHA sa taong 2024
- Published on January 14, 2025
- by Peoples Balita
UMABOT sa P361 million ang naipamahagi na Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng National Housing Authority (NHA) sa mga pamilyang Pilipino para sa buong taon ng 2024 na naapektuhan ng matinding kalamidad, sa ilalim ng pamumuno ni General Manager Joeben A. Tai.“The NHA is one with President Bongbong Marcos Jr.’s commitment to aiding the housing needs of our Filipino families through our various” programs and services,” said GM Tai.
Sa ilalim ng EHAP, ang ahensya ay nagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga pamilyang apektado ng mga kalamidad tulad ng bagyo, sunog, lindol, at pagbaha. Ang programa na ito ay para tulungan ang mga benepisyaryo na magsimula mula sa pamamagitan ng pagsasaayos ng kanilang mga tahanan.
Kamakailan lang, nag-abot ng pamaskong handog ang NHA Region XI ng EHAP bilang year-ender na regalo sa 35 pamilya mula sa bayan ng Tarragona at 2 pamilya naman mula sa bayan ng Lupon na biktima ng sunog sa Davao Oriental.
Bilang kinatawan nina NHA General Manager Joeben A. Tai at Regional Manager Engr. Clemente A. Dayot, personal na iniabot ni NHA District 2 Officer-In-Charge Gerold P. Namoc ang cash assistance na tig-P10,000 bawat pamilya. (PAUL JOHN REYES)