• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May bonggang pasabog sa newest solo concert: GERALD, ilulunsad ang ‘Courage Movement’ para makatulong sa iba pang biktima

SA pagsisimula sa bagong taon, may bonggang pasabog ang Prince of Ballad ng Pilipinas na si Gerald Santos.
Naghahanda na siyang aliwin at pasayahin ang mga manonood sa kanyang pinakabagong solo concert, na may titulong ‘Gerald Santos: ‘Courage’.
Mapapanood ito sa ika-24 ng Enero, 2025, sa SM North Edsa Skydome.
Mula sa pagiging grand champion ng ‘Pinoy Pop Superstar’ hanggang sa pagkamit ng international recognition para sa kanyang pagganap bilang Thuy sa ‘Miss Saigon’, paulit-ulit na napatunayan ni Gerald ang husay niya sa pagkanta.
Ngayon, nagsimula siya sa isang bagong kabanata, mamarkahan niya sa isang matapang na mensahe ng katapangan sa pamamagitan ng advocacy niya na ‘Courage Movement’.
Ang ‘Courage’ concert ay magiging isang di malilimutang gabi ng musika at puso. Isinulat, inisip, at idinirek ng bisionaryong si Antonino Rommel Ramilo.
Kakaibang Gerald nga ang mapapanood, mas daring and sexier.
Itatampok sa concert ang mga stellar talents ng special guest na si Eric Santos, Sheryn Regis, kasama si Elish (Aliw Awards’ Best New Female Artist 2024) at ang P-Pop group, ASTER, at iba pang surprise performers.
Sa suporta ni Echo Jham at Visionary Productions at sa suporta ng mga tinitingalang sponsor tulad ng Intele, Globaltronics, Genesis Organic Spirulina, Japs and Cat, John Guarnes, Teddy Mendoza, Nakashima Printing Services, Rios Catering and Events Services, RME Salon, Petron Mulanay at Fermarido’s Bakeshop.
Nangangako ang naturang produksiyong na magsi-set ng new benchmark para sa live music experiences sa 2025.
Sa naturang konsiyerto ay mamarkahan din ang paglulunsad ng ‘Courage Movement’, na pangungunahan mismo ni Gerald, para matulungan ang mga naging biktima ng sexual harassment at iba pang pang-aabusong sekswal.
Marami ngang nagulat sa pag-amin ni Gerald nang humarap siya sa Senado noong nakaraang taon na naging biktima siya ng sexual abuse ng kilalang musical direktor noong edad 15.
At dahil nga sa reklamong isinampa ni Zandro Muhlach na biktima rin ng pang-aabusong sekswal, nagkalakas siya ng loob na aminin ang nangyari, pagkatapos nang matagal na pananahimik.
Pagbabahagi pa si Gerald sa kaganapan sa kaso niya, “sabi ko nga, noong makaiyak ako sa senate, ang laki ng tinik na nabunot sa akin, parang okay na nga ako doon eh.
“Pero may mga lumapit sa akin, in particular si Enzo Almario at iba pa niyang mga victims.  He really needs to pays justice, yung law.
“Although, yun iba ayaw pa nilang lumabas, it’s either nahihiya or baka atakihin daw sa puso ang lola’t-lolo nila at iba pag members ng family, dahil hindi talaga nila alam ang nangyari.
“Kaya sabi ko, hindi lang para sa akin, para na rin sa iba pang victims.”
Dagdag pa niya, “I’ve been in contact naman doon sa prinovide sa akin ni Sen. Jinggoy (Estrada) na si Atty. Malaya.
“Naiintindihan ko naman dahil marami siyang hina-handle na cases, he’s really busy as well.  Kaya nana-backtrack kami and hopefully this month, may results na, kaya abangan.”
Forever grateful naman si Gerald sa GMA-7 dahil doon siya nanggaling at nagkapangalan, nagkaroon lang talaga siya ng tampo dahil sa naturang kaso.
Paliwanag niya, “ang naging tampo lang talaga namin noon sa GMA ay hindi kami formally informed kung ano ang naging action nila sa complaint namin.  We were left hanging, wala talaga kaming idea.
“We sent letter pa na nangangamusta kami, kung ano ang action na ginawa nila at ano ang resulta ng complaint namin, wala silang sagot.
“Well, after 14 years, we’ve sa senate na may ginawa pala sila, may action silang ginawa, kaya thank you na rin sa GMA.”
May chance pa kaya na mag-work siya sa GMA sakaling may offer, “why not, okay lang sa akin, but I doubt it because of what happened. I don’t know.
“But I’m not really expecting na magiging welcoming sila sa akin.”
Inilabas din ni Gerald ang kanyang pinakahihintay na single, ‘Hubad”, na kinompos ni Feb Cabahug noong ika-10 ng Enero, 2025. Available na ito sa Spotify, iTunes, Amazon Music, at iba pang pangunahing platform, ang track ay nangangako na maakit ang mga tagapakinig sa emosyonal na lalim at pagiging tunay nito ay nagsisilbing panimula sa mga tema ng kahinaan at lakas na magiging sentro ng konsiyerto sa ‘Courage’.
Available na ang tickets sa smtickets.com.
(ROHN ROMULO)