• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos admin, sisimulan na ang EDSA rehabilitation ngayong 2025 —DPWH

SISIMULAN na ng gobyerno ng Pilipinas ang mga major infrastructure project ngayong taon kabilang na rito ang ‘complete rehabilitation’ ng EDSA.
Sa isang panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manny Bonoan na ang pagpapahusay sa kalidad ng pagsakay sa EDSA ay kabilang sa mga priority project ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Ang gusto ni Presidente dapat we have to improve actually ‘yung riding quality of EDSA. We will rehabilitate the entire EDSA starting 2025,” ayon kay Bonoan.
“Kasi sa ngayon dumaan ka sa EDSA kung minsan nahihirapan kang mag-text sa kakakalbog ng sasakyan. So, I think it’s about time that we need to rehabilitate EDSA once and for all,” aniya pa rin.
Layon ng rehabilitation project na tugunan ang long-standing issues kasama ang highway at maging ang palakasin ang overall commuting experience para sa mga milyong pinoy.
Inaasahan naman ni Bonoan na makukumpleto ngayong taon ang rehabilitation project.
Samantala, inilista rin ni Bonoan ang iba pang major infrastructure initiatives na inaasahang matatapos ngayong taon.
Kabilang sa listahan ang tulay sa Zamboanga Sibugay na magkokonekta sa Zamboanga Peninsula hanggang Olutanga Island at dalawang iba pang tulay sa Sulu.
Ang iba pang proyekto ay ang Central Luzon Expressway (CLLEX), na magko-konekta sa Tarlac hanggang Cabanatuan, Nueva Ecija.  (Daris Jose)