• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pitong NBA players, positibo sa Covid

Pitong NBA players, kasama si Denver Nuggets All-Star center Nikola Jokic, ang nagpositibo sa coronavirus o mas kilala sa tawag na Covid-19.

 

Tanging si Jokic lang sa pitong manlalaro ang pinangalanan sa mga nagpositibo at ngayo’y naka-quarantine sa Serbia, ayon sa ulat.

 

Bukod kay Jokic, dalawa pang miyembro ng Phoenix Suns ang naitalang tinamaan din ng virus ayon sa NBA.

 

Sinabi naman ni ESPN reporter Adrian Wojnarowski sa kanyang tweet na apat na miyembro ngWestern Conference playoff team ang nagpositibo sa Covid noong isang linggo. Hindi rin niya ito pinangalanan.

 

Nakatakdang mag-restart ang season ng NBA sa susunod na buwan kungsaan 22 sa 30 team ang sasabak sa Walt Disney World Resort sa  Orlando, Fla. Sisipa ang training camps sa July 11.

 

Nakatakdang bumalik si Jokic sa Denver ngayong linggo.

 

Ayon sa ESPN, asymptomatic na ngayon Jokic simula ng magpositibo noong isang linggo at inaasahang bibigyan na ng travel pass papuntang Denver.